July 2021 innova E Diesel, nung bnew namin kinuha ito sa casa eh 1st day pa lang off center na ang steering wheel, pag ginitna mo or kaya binitawan ang steering wheel eh pupunta yung sasakyan sa kanan kaya sinoli agad namin sa casa, inayos nila pero sa kaliwa naman siya pumupunta pag naka gitna ang steering wheel o binitawan, kaya sinoli ulet namin at inayos nila ulet at nag oks na...
after 7 months and 10,000 KM ODO, pina tire rotation, balance and wheel alignment check sa customer cradle las pinas, may inajust sila sa TOE. pero back to day 1 ulet siya na off center ang steering wheel, pag ginitna mo eh sa kanan siya pumupunta ang sasakyan, pag binitawan mo eh pupunta din siya sa kanan
ano kaya problema nito??? parang may nabasa ako na iba ang alignment kapag may traction control na gen 2.5 (GUN143 chassis?)
hindi ko na ito pwede i balik sa casa kase naka sulat sa warranty booklet na hindi kasama ang wheel alignment sa warranty, ibalik ko na lang ulet sa last touch
Attachment 40745