
Originally Posted by
Alex Tamayo
Thanks *crosswind!
Last Saturday pa namin nakuha. Sunday iyang picture. Maputik doon sa parking sa tabi ng Sofitel last Sunday kung saan nag attend ng event ang mga anak ko.
Over-all, satisfied naman ako. May mga hindi lang agad naibigay na freebies tulad ng EWD, rain guard, at central lock. Naubusan daw ng stock. Pero install nila agad this coming Saturday. Ipapaulit ko rin ang rust proofing ko kasi basa pa ay nag-washing na agad sila kaya na wash out ang ibang rust proofing. May napansin lang ako sa dashboard ko ngayon. Sa bandang left side ay hindi nakalapat ang moulding. Ipapakita ko at ipapaayos na rin sa Sabado sabay na rin ng pagpakabit ng alarm.
Iyon nga palang tint, pina-updgrade ko sa 3M instead na US Gila, although nag add ako ng 2.5k.
Back to ipon mode para pangbayad ng monthly at pang upgrade and accessories. Balak ko na gawing parang G kaya uumpisahan ko sa stock Toyota mags.
Napansin ko na wala na palang D4D at J na badge sa 2015 model? Sayang gusto ko pa naman iyon.