New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 25 of 370 FirstFirst ... 152122232425262728293575125 ... LastLast
Results 241 to 250 of 3700
  1. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    31
    #241
    Tanong lang po ....

    Pano po ba ang tamang diskarte sa pag akyat sa napakatarik na parking sa mga mall? You should always ba on the 1st gear before and during the climb until you reach the floor level?

    What will you do kung merong sudden stop?

  2. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    2,135
    #242
    Quote Originally Posted by RaffyDoodle View Post
    Tanong lang po ....

    Pano po ba ang tamang diskarte sa pag akyat sa napakatarik na parking sa mga mall? You should always ba on the 1st gear before and during the climb until you reach the floor level?

    What will you do kung merong sudden stop?
    oo, you must be on the first gear kapag you are going on a steep uphill. pag tumigil ka, you must apply the hand brake, then once you accelerate, you must release the hand brake.

    for example: parking sa megamall, medyo steep ang pag akyat sa parking building nila.

  3. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #243
    kung may buwelo at kaya, i use 2nd gear during the climb.

    pero typically, dapat 1st gear lang sa parking bldgs.

    kung puwersado na mag stop sa ramp, hand brake para sigurado na hindi basta-basta aatras.

    para mas safe, pag nakapanik na ang nauuna, then duon pa lang pumanik sa ramp.
    Last edited by meledson; August 25th, 2010 at 03:38 PM.

  4. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    31
    #244
    *myas110 / meledson

    Thanks for the immediate response.

    Inputs are highly appreciated.

  5. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    2,135
    #245
    you're welcome raffy doodle...ride mo yung nasa avatar?
    sama ka sa EB ng club this weekend...

  6. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    31
    #246
    Quote Originally Posted by myas110 View Post
    you're welcome raffy doodle...ride mo yung nasa avatar?
    sama ka sa EB ng club this weekend...
    Yes sir. Only 2 months old. Im eager to join Avanza Club but dont know how.

    Can you give me more details of the EB as to where and when (exact date and time)?

    Taga probinsya pa po kasi ako, Oriental Mindoro.

  7. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    2,135
    #247
    ah, layo mo pala....usually kasi EBs ay ginaganap sa Manila and soon sa major provinces..
    check mo na lang ACP thread for more details

    http://tsikot.yehey.com/forums/forumdisplay.php?f=147

  8. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,994
    #248
    Quote Originally Posted by RaffyDoodle View Post
    *myas110 / meledson

    Thanks for the immediate response.

    Inputs are highly appreciated.
    add ko lang...
    • iwasan mo ang matagal na "half clutch" para tumagal ang clutch lining.
    • sa 1st gear, hwag mong itudo ang rpm, kung mataas na, try to shift to 2nd gear but to be safe, tama na ang 1st gear.
    • kung may sasakyan sa harap mo, keep a safe distance.
    • kung may time ka, hanap ka ng isang lugar na walang sasakyan at walang tao at halos kasing tarik ng parking area ng mall para mapagpraktisan mo,
      full stop ka sa gitna,
      full clutch(assmuning you are at 1st gear), full brake, handbrake on
      foot brake release, simultaneously dahan dahan release clutch, press gas slowly(accelerator) and release handbrake...yan daw tinuro ng driving school sa wife ko....hehehe

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #249
    para hindi ako nabibitin, i-dis engage ko and hand brake pag nararamdaman ko na naabante na ang sasakyan kaso pinipigilan ng hand brake.

  10. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    652
    #250
    Ha-ha-ha. Comment ng anak ko, "madaya daw ang avanzy ni misis (A/T) kasi hindi daw uma-atras sa slope, unlike sa gli na minamaneho niya (manual tranny)". Nahirapan din kasi lalo na mga baguhang driver mag timpla ng clutch, accelerator at brake pag nasa slope nakahinto.

    My experience way back na hindi ko malilimutan.
    Traffic ang tulay crossing from V. mapa (?) sta mesa going to Manduluyong (yung opag baba mo is traffic light na, shaw blvd.). nabitin ako sa paahon. ng mag move na ang traffic, umaatras ang sasakyan ko (pinoy harabas). busina ng busina ang nasa likod ko, to the point na bumaba ang driver at siya na ang nag maneho ng sasakyan ko hanggang umabot sa tuktok. hiyang hiya ako

Toyota Avanza Owners & Discussions [continued]