
Originally Posted by
burjegol
Casa? thanks for the suggestion but no thanks kung dyan ko lang naman ipapagawa. Nang nagpakabit nga ako sa casa ng alarm, e, kinayod ng alambre na idinugtong nila sa power lock sa driver side ang tint. Ka simpleng trabaho, di maayos ng matino. buti pa doon sa evangelista nang magpalit ako ng tint at nagpakabit ulit ng alarm. maayos ang pagkapwesto ng mga wirings.
Naniniwala ako na hindi komo sa casa, e, magagaling sila. dami din palpak sa mga trabaho nila.
The only problem we have in this country is that: "we do not have the consumers' rights". Ok nga. under warranty. aayusin nila. pero ano ang gagamitin mo habang ina-ayos nila ang unit mo? e, kung kagaya ni ma'am jxik na ayun sa kanya, 2 months na sa kasa ang avaza nila, la pa rin solution? I think isa ito sa dapat isulong ng mga opisyales natin sa gobyerno, ang maprotektahan ang rights ng mga consumers. dapat, pag bago ang unit mo, o under warranty pa, pag me problema at manatili sa kasa, bigyan ka ng dealer ng service unit na magagamit mo. aba, binayaran mo ang unit mo tapos di mo mapapakinabangan dahil nasa dealer at under repair? what the heck???