Hi guys! I have 2014 Toyota Wigo E and I recently upgraded the mags from the stock 13" to a Rota Grid 2 15" x 8" 2 months ago. Sa installation and normal run wala namang issues yung size/fitting nya, pero eventually nung nagsasakay na ako ng 3-4 persons sa likod & minsan may konting baggage, I realized na sumasayad sya sa rear fender minsan lalo na pag medyo mabilis sa humps & highway na may slight bumps, kaya nagmamark sya sa side wall nung tire!Kinabitan na (for free) nung kinuhanan kong shop ng rubber spacers yung coil springs, pero sumasayad parin. Sinuggest ko na din sa kanila na palitan nalang nila yung tire size ko ng mas narrow ang width (from 195/55/R15 to 175/xx/R15 or 185/xx/R15) pero sisingilin parin nila ako for swapping my current tires which is valued at only 1K per tire kahit na 2 months ko pa lang nagagamit! It means na magbabayad pa ako ng around 6K+ for the new set of tires para lang sa mas narrow na bagong tires para hindi na sumayad pag bumababa yung likod.
Any suggestions po? Nung una naisip ko pong magsearch ng new set of coilovers, pero tingin ko hindi practical kasi sobrang mahal (30K-40K per set) at baka hindi din sya total solution, and then baka pwedeng i-replace yung stock na coil springs sa mas matigas na version, siguro yung surplus lang from other units na compatible din sa Wigo, pero I doubt yung availability, fitting at lalo na yung quality since hindi nga sya designed talaga for Wigo & used na. Baka meron po dito sa forum na nag-modify na din sa mas wider/bigger na wheels and ano po yung naging solution nyo to avoid such issue?
Thanks in advance for the help!![]()
try mo ipa check sa mga suspension shops.
yung vios pwedeng icamber yung likod, baka pwede din sa wigo tapos fender pull at fender roll. problema lang sa naka negative camber, hindi pantay pudpod ng gulong.
o makipag swap ka sa rims na mas makitid. safe na yung 15x6.5, feeling ko yung 15x7, sayad pa din kahit 175 tires ang ikabit.
sayang yung tires kung iswap mo sa skinnier tire na 175. mas ok pa iswap mo nalang yung mags sa 15x6.5 et40 hopefully hindi na sasayad yan.
Sa inner lip, Dr. D. I learned na parang adhesive or sealant lang pala yung nasa edge ng loob ng fender lip sa likod, tinanggal lang yon and then ni-roll paloob yung pinagkakabitan nya. Before ang tama ng tire wall ko is less than half nung adhesive/sealant from the inner side, so tingin ko makakatulong na yung fender roll at pina-pull ko na din ng konti para medyo bumuka sya for assurance na di na sasayad.
Tip lang po sa mga nagbabalak magpa-pull (aside sa rolling sa loob), check nyo lang po na alalayan mabuti nung gumagawa kasi yung sa akin nagkaron ng konting visible fold sa labas, although okay naman tignan kasi pantay naman sya so parang part na din talaga ng molding, pero kung hindi okay sa inyo yung ganitong may trace ng pagka-fold, better po na fender roll nalang ang ipagawa nyo. Akala ko din nung una pareho lang yon pero ang sabi sakin ng owner ng shop magkaiba ang fender rolling sa fender pulling.
Gud pm po sa lahat. So hindi po maganda maglagay ng 15" rim sa wigo?next week makukuha na namen ung unit namen wigo g AT. medyo naasiwa lang ako sa wigo sa matic transmission nya medyo mahaba.pwede ba bawasan un?and meron po ba diy na palit led light nung cluster gauge?and gusto ko sana sumali sa grupo kaso parang di active ung nakita ko.baka meron along novaliches dyan na gusto magbuo ng novaliches chapter?![]()
same din kaya ng pagpalit ng led light nung sa civic?kasi marunong na ako magpalit ng led ng gauge ng civic.ang dilemma ko lang eh baka mas mahirap.gusto ko kasi lagyan ng kulay medyo boring kasi.dame ko plan to modify like sound deadening ung sa lalagyan ng reserba. and paano pala disable ung sa hand brake?same din kaya nung sa vios?kasi nagawa ko ung sa headunit nung vios kaso magkaiba sila nung wigo.any asnwer will be much appreciated.thank you.
Pwede naman pero based on experience hindi 8" ang width. Siguro 6.5" to 7" safe na. Kung talagang 8" ang width make sure na mas makitid na tire width ang ipapalagay mo. Di ko lang sure pero based sa test fitting sa akin mukang safe na sa 15" x 8" rims yung 175/55/R15 na tires pero dapat may rim guard sya kasi masyado nang aangat yung rims at delikado na sa gutter scratches/dents.
Bro post mo naman picture nung mags mo. plan ko kac magpalit baka same size ng mags nalang pero ung stock tires pa rin gagamitin ko.
at matanong ko lang, ganun ba talaga ung G variant naka champiro tires samantalang ung E variant naka dunlop na tires?