Para sakin mukhang magandang development ang daan na yan. Palagi akong dumadaan diyan from Espana to QC at grabe nga ang trapik dyan sa part ng Sto. Domingo up to the intersection sa C3. May mga comment din ang mga kababayan natin na may mas simple daw na solusyon at di daw kailangan niyang daan na yan at mahal daw. Pinag aralan yan ng Japan International Cooperating Agency and the University of the Philippines' National Center for Transportation Studies. Mga experto ang nag aral, at nagmungkahi, mas maniniwala ako kaysa mga kababayan nating nagbibigay ng kritiko sa proyekto.
Lastly, hindi ko maintindihan. Natayo ang proyekto at within the budget at medyo huli ng kaunti. Hindi ba mas maganda ito kesa overbudget, delayed at ang masama pa ay di natapos ang proyekto? May piktyur na eksaktong naipakita ang nasa isip ko.
Matuwa na lang po tayo na may magandang proyekto na naibigay ang gobyerno. At sana ay magtuloy tuloy pa ito.