i have a 7 month old alto and recently ko lang nagamit kasi kelan lang ako natuto nag-drive......i have no plans on buying a car kaso ang cute talaga ng alto pati presyo para sa brand new car ^^ perfect para sa first car buyers...
i chose a silky silver metallic para visible pa rin kahit gabi...mejo classy itsura pag nilagyan ng stainless embelishments, sorry di ko kasi alam mga right terms sa car accessories...yung tambutso, sa plate number and mudguard na stainless...sa maintenance di ko alam kasi una pa lang pero so far wala naman ako gastos and ang tune up ko 1500 pesos lang bayad...sa gasoline naman sa tingin ko matipid kasi 600 pesos lang karga ko from caloocan to laguna then one week gamit ko papunta-punta office (15 mins drive) tapos uwi ulit caloocan, dami pa rin gas natira...kundi lang nakakahiya, papakarga ako ng 50 pesos, patak patak lang ang konsumo hehe
aircon nya, ang lamig talaga...and may heater din, kahit di naman gagamitin, nakakaaliw pa rin..may adjust adjust pa ng front light (4 settings), di ko to napapansin sa ibang cars..
spacious na rin sa loob kasi tatay and kuya ko, malalaking tao (5'10 sila) nagkasya plus ako sa likod, nakakatulog pa ko nakahiga, hehe
tapos, yung clutch nya parang may working level, haha...sa iba kasi parang derederetso...basta di ko ma-explain
hindi pa ko nahihirapan lumiko-liko, pwede nga umikot ikot pero di pa din abala sa trafik
actually, lahat gusto ko sa alto kahit yung mga reviews jan, di gano maganda...kasi naseserve naman nya purpose nya and depende na lang sa pag-maintain and pag-aalaga ng car
sa expressway lang kanina, pag may dumadaan na bus at trucks, parang nasisipa ako...pero slight lang naman...manageable pa din
downside lang, wala akong makitang mga spoilers, skirts, rain guard na ready mabibili, or ang hirap lang talaga maghanap ng mura
---nice to see people na gusto din ang alto apart from me.....hope to see more soon ^^