Hindi pala 17.. 18 yung rims ko :'(
Uhm.. asorry di ko alam sir yung Power steering belt
okay sir salamat..
will add motech sa list din..
salamat din sir..
*UPDATE*
So pumunta ako kanina sa banawe and pupunta sana ako sa M7 pero hindi ko alam kung M7 talaga kumausap sa akin.. Pinapunta ako sa isang repair shop na maliit tapos inangat by floor jack tas sabi daw palitan na yung "Mounting" yung nasa bandang upper ng hood near sa windshield tapos "Lifter" daw sa left side ng gulong parang ilalim daw yun ng spring.. Sabi Mounting - 1400 then Lifter - 400. Ayun medyo nagduda ako kasi parang hindi convincing yung explanation and kakatakot andami nilang nakapalibot sa akin..
Buti na lang nakapag alibi ako at pumunta ako sa Wheelers. May technician doon na sumabay sakin sa sasakyan para makita nya yung pagturn ng steering wheel so sabi nya mukhang pang ilalim ang problem so iaangat muna baka may irereplace sa baba. So pumila ako. Then nung inangat na sasakyan ko gulong ko pala daw muna kailangan palitan kasi yung isa oblong na. Naalala ko kung nagpahangin ako sa gasolinahan yung isa 41 psi

akala ko namali lang ako ng tingin di ko kasi kabisado yung sa hanginan pero nabawasan naman yun nung nagkarga na ako ng tig 31 psi each tire. So suggestion daw, papalitan muna both tires sa harap kasi medyo lumobo yung front right pati medyo lumobo yung front left tapos kung may problema pa balik daw sa kanila. Thank goodness yun nga problema. After palitan yung gulong ng 220 40 18 na gulong straight na ulit yung takbo! No need na ng alignment ambait ng nag assist sakin sa Wheelers.
Okay na ulit takbo. *phew
Question lang.. medyo mabigat talaga yung manibela kapag ipihit sya? napansin ko kasi sa vios ng friend ko and mux namin malambot lang sa pag ikot ng steering wheel pero stock rims lang yun.