May steering column pa ba yan and Hydraulic Power Steering ba yung Fiesta? Electrical Power Steering na right?

Kung electronic, di siguru yung steering column yung may possible issue (nangyari sa L300 namin ito. Over time parang nauubus yung steering column kasi mahilig yung driver mag gitgit and singit sa manila). Nung nagkadamage yung column, ayun, may kabig na to one side/direction.

Nung inangat nila nung nagcheck alignment, inuga ba nila yung left tire mo if may "play"? Baka yung ball joint sira na yung goma so may galaw yung left, pero yung right mo matino, kaya kumakabig to one direction (Maybe). Pero nung nangyayari sa Revo naman namin ito, above 40kph, nanginginig yung manibela at highway speeds. Below that, wala ka maramdaman na lumalaban yung gulong or manibela.

Yun lang alam ko instance na pwede kumabig to one side na naexperience ko.

Yung isa is wild card. Nangyari dati sa City. Inayos yung shock mounts, di natornilyo maayos. slowly may galaw na na yung left tire. Nung dinala, ayun bumitaw na din.. No steering control on the front left tire. Tabi and tow truck na to talyer to re "fix" it

Hopefully ma solve kasi kung di gulong, di alignment... yung first two lang naisip ko na medyo possible nagcause. Pero suspension or shocks mismo, kung may problema, diba dadapa naman dapat yun? Meaning up and down motion nun e. Hindi yung problem na to the side. May mga dumapa na kami shocks before hindi naman kumabig (di namin na kasi family car, naging emergency car na lang kaya hindi na sensitive kung hindi na kasing ganda ride quality)

I might be wrong though.