hi po. first post ko to sa strada club forum. nagbabackread ako dito sa PMS thread. Parang ang dami palang STRADA owners. Ang haba ng mga thread hehe.
anyway, balak kasi ni misis bumili ng sasakyan for her family this december and nirecommend ko sa kanya ang STRADA

. Maganda yung reviews na nakita ko at parang maganda ang support group dito sa tsikot at sa strada club.
anyway, may question po ako regarding sa PMS sa casa. May control po ba tayo sa mga gagawin sa casa? I mean, tatanungin ka ba nila kung payag ka sa bawat item na gagawin nila? Pede bang sabihin ko na wag na mag engine flush, additives, etc.. na feeling ko eh unnecessary..
regarding sa oil po, ok lang po ba na regular mineral oil lang ang gamitin pag nag change oil? nirerequire ba ng casa na synthetic yung gamitin?
maraming salamat po in advance sa mga replies nyo

. more power to starda club!