Mga sir na nagpagawa na sa Diamond Valle Verde, sino po ang mairerekumenda niyong SA? Ako po 'yung may sinisinok na 2009 Strada GLS at nagbabalak na magpapalit ng SCV. Dinala ko sa Diamond Quezon Avenue noong 10,000 PMS at inireklamo na 'yung pagsinok pero hindi naman nila naayos at nung nalaman ko 'yung nasiraan ng lock at 'yung nangyari kay sir Rally e ayoko na bumalik doon. At medyo malayo na din sa 'kin 'yun kasi lumipat na 'ko dito sa south. Parang Diamond Valle Verde na lang 'yung puwedeng malapit na maayos.

Meron na po ba nagpagawa ng mechanical service sa Citimotors Alabang sa inyo mga sir? 'Yun kasi 'yung pinakamalapit pero baka kamukha din ng Citimotors Makati e hehe