mga ka-baranggay, on November 18, a day before ng big Pacquiao-Morales fight, it would be:
Ginebra vs Sta Lucia!!!
ganda ng laro kanina, mabuti na lg hindi pumasok yung 3pts ni macapagal.nanalo naman team ko.yahoo!
kumusta naman si tubid kagabi? naka-adjust na ba? wala akong napapanood lately eh. kailan ba next game ng san miguel? kumakana na ba si lordy?
panalo na dapat ang Gin Kings sa game last night if they converted their free throws. Sayang ang dami mintis.![]()
Nabubuwisit lang ako sa coach ng Gins kung sino yung maganda ang nilalaro sila naman nilalabas si Hatfield na hindi makagawa kagabi nakababad sa court.
sayang, silat na namn ang gin kings. dahil dun, napag diskitahan ko tuloy linisin auto ko til 1 am kanina, hay....
bawi na lang ulit sa next game...
that's the problem with star-studded team eh... they have to balance the playing times of the stars.
in the case of Helterbrand, si Johnny A. and kapalitan nya. ang nangyayari tuloy, pressured to deliver dahil sa sapawan. Then here comes Tubid na si Caguioa ang kapalitan.
Pero si tingin ko, dapat si Siot na lang ulit!!!
Nye-he-he! Totoo yan. Du'n sa amin sa Pasay, yung buong stretch sa kalye namin, halos lahat mga Kabarangay. Pag naka-shoot ang Ginebra (lalo na pag tight game), nakow, sabay-sabay napapasigaw, ang bawat household. Ang linis ng kalye pag may laro ang Gins! Tapos pag nanalo, lalabas lahat yan, at magku-kwentuhan, yun din ang topic, inuulit lang yung nangyari, pero lahat sila nakapanood ng game.![]()