New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 72 of 452 FirstFirst ... 226268697071727374757682122172 ... LastLast
Results 711 to 720 of 4513
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,346
    #711
    Quote Originally Posted by BoEinG_747
    welcome back Bro Chua,laglag na ang Ginebra ,sana gawin niya pa din tumakbo sa baywalk ..,dapat tumakbo sia ng madaling araw konti lang ang tao .hehehe

    Thanx, Bro. Namundok, ako, wala internet sa bundok. He-he!

    Sayang nga laglag na ang Gins. Cheer na lang ako sa SMB or kay Fafa James.

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #712
    June 21, 2006
    Araneta Coliseum


    Red Bull 98 vs San Miguel 114 (nakabawi na ang SMB 1-1)



    Purefoods 77 vs Alaska 86 (mukhang minamalas ang Giants 2-0 na)

  3. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    13,149
    #713
    it's redbull vs purefoods in the finals...here we go again...

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #714
    Quote Originally Posted by baludoy
    it's redbull vs purefoods in the finals...here we go again...
    its Villanueva vs Raymundo again sa Finals....hahaha

    dapat makabawi na si Kerby ngayon....

  5. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    2,421
    #715
    kala ko wla nang chance ang giants but they bounced back,yahoo!

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #716
    Quote Originally Posted by stinkaboy
    kala ko wla nang chance ang giants but they bounced back,yahoo!
    akala ko din di na sila makakabangon .
    from 2-0 to 3-1 and then 3-4 ,
    na straight na Giants ang last 3 games , ang hirap non

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #717
    James Yap, Raymundo magkalaban sa MVP award



    Matapos makapasok sa finals ang Purefoods Chunkee sa Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup, nakasentro ang labanan para sa Most Valuable Player award kina James Yap at Kerby Raymundo.

    Ang dalawang Purefoods cager ang top-two sa statistical race pagkatapos ng semifinal round ng ikalawang kumperensiyang ito ng 2005-2006 season.

    Nanatiling No. 1 contender para sa pinakaprestihiyosong individual award, si James Yap sa kanyang kabuuang 1,876 total points kasunod ang kanyang teammate na si Kerby Raymundo na may 1,831 total points.

    Bumandera si Yap sa statistics sa kanyang 1,797 points sa kanyang 23-laro sa kasalukuyang All Filipino Cup dagdag sa kanyang 1,994 puntos sa Fiesta Conference kung saan No. 3 lamang siya.

    Si Raymundo naman ang No. 1 sa Fiesta Conference sa kanyang 2,192 points dagdag ang kanyang 1,611 points sa kasalukuyang kumperensiya.

    Nasa No. 3 position naman si Enrico Villanueva ng lalaban rin sa finals na Red Bull sa kanyang kabuuang 1,834 puntos kasunod ang kanyang teammate na si Lordy Tugade na may 1,644 points at ang isa pang Chunkee Giant na si Mark Pingris ang bumubuo ng top five contenders para sa MVP trophy sa kanyang 1,608 points.

    Samantala, pinangunahan naman ni Danny Seigle ang statistical leader para sa Best Player of the Conference ngunit dahil nasibak sa finals ang San Miguel Beer, nanganganib na makawala sa kanya ang naturang award matapos makalikom ng 1,931 total points sa pagtiklop ng semis.

    Kasunod ni Seigle ay si Nic Belasco na may 1,838 points ngunit posibleng masikwat ni Yap na lumikom ng 1,797 points, matapos makapasok sa finals ang Chunkee Giants.

    Ang bumubuo ng top five contenders ay sina Dorian Peña ng SMBeer na may 1,770 at si Pingris na may 1,682 points.

  8. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    13,149
    #718
    matindi ang labanan niyan bukas. maganda panoorin ang pinaka-bagong pagtatagpo ng dalawang karibal na koponan na 'to

    bakbakan na!

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #719
    mas magaling si kris

  10. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #720
    Bro baludoy ,naka isa ang na pala ang Purefoods...

    ang laki daw ng lamang ng Giants (19pts) sandali lang daw hinabol ng Barakos
    pero kinapos daw in the end

    cgurado babawi sila sa susunod si Kerby mukhang pinaghandaan talaga sia highest pointer sa Giants

PBA na ulit... (ARCHIVED)