mas ok ang no-frost kung tamad ka maglinis ng ref. kasi alam mo naman na siguro pag nag-defrost ka ilalabas mo lahat ang laman ng ref kundi tutuluan ng yelo (most probably may kasama pang blood ng fish!) mga laman sa loob.
ang semi-defrost meron kami nuon (tagal na na-retire). pindutin mo lang tapos mag-on sya pag tapos na siya mag-defrost. kaso lang nga parang ordinary ref din lang ito, dami pa din frost sa loob kaya para ka na din lang may manual defrost na ref.
sa electric consumption, halos pareha lang naman konsumo nyan sa kuryente. sabi nila magastos daw sa kuryente ang no-frost pero ganun din naman ang ordinary ref. kung puno na ng frost ang ref e mababa na din ang efficiency nya, e di malakas din sa kuryente.