pag ba sinabing 145watts maximum consumption eh ito ang wattage na magagamit pag full load ang fridge?
pag ba sinabing 145watts maximum consumption eh ito ang wattage na magagamit pag full load ang fridge?
pasensya na po mga bossing up ko lang din po ulit. ok po ba ang LG? Ano po ba ang mairerecommend nyo? nag punta kami sa abenson kanina, nakakahilo sa dami ng bagong labas kaya what we did is, di muna kmi bumili para makapag isip pa ng husto...btw, maliit lang budget ko ....hangang 25K na ang max. thanks in advance.
laki na ba yun? hehe la kasi ako idea tungkol sa ref...makausap nga si misis yun ang hiningi nya sa akin yun daw ang range ng 10 cubic feet na no frost...humihirit pa nga ng 2K kasi yung nakita daw nyang Electrolux 27K++...need kasi nmin yung medyo malaki ang freezer kasi once a week lang kmi mamalengke...tnx sa mga inputs nyo guys...hangang nagyon di pa din nakakabili si misis
max na pa yun sir...pero syempre mas maganda kung di umabot dunla kasi ako idea tungkol sa ref...makausap nga si misis yun ang hiningi nya sa akin kasi yun daw ang range ng 10 cubic feet na no frost...humihirit pa nga ng 2K kasi yung nakita daw nyang Electrolux 27K++...
need kasi nmin yung medyo malaki ang freezer kasi once a week lang kmi mamalengke...tnx sa mga inputs nyo guys...hangang ngayon di pa din nakakabili si misis...
![]()
anu ba household size niyo???
kami apat sa bahay. 7 cuft ref ay ok na ok sa 2 weeks na food (meat, veggies etc....yung canned syempre ndi na sa ref)
yung 10 cuft is more than enough kung sa amin. yung sa inyo dpende kung gaano kalakas kayo kumain dahil dun mag dedepend yung dami ng food na store sa ref.
yung no frost, convenient pero malakas sa kuryente. isa pa, kahit naman no frost ang ref, kailangan mo pa rin alisin ang laman ng ref para mapunasan ang loob paminsan minsan at mawala yung amoy na ndi maganda.
no frost ka na lang pards. punas punas lang ang gagawin mo.ako binili ko white westinghouse na 10cu.ft.sarap magstock ng beer.kahit sa low setting lang malamig na kasi may internal air circulation fan sya.:drunk:
para sa akin sir malaki na ang 25T sa ref, sa panahon ngayon dapat ang piliin natin ay medyo matipit sa kuryente dati nga ang pina-pabili ko kay misis ay 6 cubic feet lang kaso sabi ni misis 400 lang ang deperensiya ay 7 cubic feet na 30 watts lang ang lamang ng 7 cubic sa 6 cubic... malaki kasi ang freezer ng mga no frost kesa sa direct cool na ref kahit parehong ng size pero depende sa inyo yan sir malaki yata family niyo. sa family ko kasi ok na ang 7 cubic feet.
apat na brand ang binigay kung model kay misis ang sabi niya ang sharp day ay matitigas ang loob di katulad ng sanyo, LG, Samsung ay ang lambot daw ng mga plastic nila yun nga lang medyo mahal ng konti.
tingin kayo dito sir sa Sharp Home Page baka may magustohan kayo
uy ok yan ah...sa consumption ba sir malayo difference sa manual defrost? tinignan ko kasi sa Meralco website ang average na rated input ng no frost na 10 cubic ft is 300watts...syempre pag kinausap mo naman ang mga sales rep sa mga appliance store kahit anong appliance ang tanungin mo sasabihin nila matipid sa kuryente
tumingin ako sa abenson walang mga ER yung mga 10 cubic feet na ref.
Wag po kayo maniwala sa saleperson, di po sila gaanong technical lahat.Yun pong wattages ne yun is rated po yun, di yun actual consumption. To compute for the actual measure the current using a clamp meter, multiply it with voltages equal to wattages na yun. Ang mga ref na no frost usually mas mataas ang current nyan so ibig sabihin mas malakas yan sa kuryente dahil mas marami mga heaters nyan. Meron din yan blowers na ginagamit para magcirculate yun lamig . Sa mga semi-frost walang blower yan. Mas malaki pati ang compressor ng mga auto defrost kaya malaki rin kuryente nyan.
Usually sa mga salesperson walang alam sa binebenta nila e.
Anyway, we had a samsung ref before, madali masira. We also had a samsung TV, DVD player, lahat nasa basurahan napunta. I even bought sa Samsung DVD writer, one month lang sira agad. Obviously, I concluded that all Samsung appliances are crappy. They have nice mobile phones though (no idea about the quality though as I never had one).
yung LG ref namin, so far ok naman. No frost kaso di ko alam ilang cubic meters 150w, two-door type na about my height (im 5'10). Yung freezer nasa taas pa. Yung mga bago kasi ngayon, drawer type na nasa baba na yung freezer (which is kind of cool for me).
Maganda nga yung Fisher Paykel at Panasonic, totally worth the money. LG wala kaming naging problema except nag-rust yung body nya after ten years which was easy to fix since we have all the tools and the materials (and my dad who is a topnotch in these sort of things). It even outlived the samsung ref na no-frost din. Eventually that piece of crap Samsung would not cool anymore so we sold it for cheap after its body parts started breaking up for no reason (the buyer, our friend, told us it went to the garbage eventually).
Yung Whirlpool, I always thought they had bad quality because their products were built really flimsy (wouldn't survive everyday use).. we had a 21cu Whirlpool double door before (yung parang cabinet), eventually, we sold it to a scrap buyer. ang lakas sa kuryente but it wasn't that cold.
^^Looks like di maganda expreience mo sa Samsung. Same pa rin kaya quality ng Samsung refs? I like their clean designs and di mukhang cheap yun finish.