Results 1 to 10 of 42
-
November 9th, 2005 11:48 AM #1
IBINUNYAG kahapon ng Department of Education (DepEd) na mas mahusay sa Math, Science at English ang mga public elementary students sa Visayas region kumapara sa mga taga-Maynila.
Inihayag ni DepEd Assistant Secretary Camilo Montesa na ito ang lumitaw sa pinakahuling resulta ng national achievement test na isinagawa ng kagawaran noong nagdaang taon para sa grade six students bilang preparasyon sa high school.
Ayon kay Montesa, ang mga estud-yante sa Eastern Visayas ay nakakuha ng score na 72.6% sa math, 69.97% sa English at 63.74% sa science habang ang mga estudyante naman sa National Ca-pital region ay nakakuha lamang ng score na 56.9%, 57.59%, at 52.8% sa math, science at English.
Pumuwesto ring pang-8 ang mga mag-aaral ng NCR sa 17 rehiyon kung saan ang Caraga ay pumangalawa habang ang Autonomous Region in Muslim Minda-nao ang pumangatlo.
Ipinaliwanag ni DepEd Officer-in-charge Fe Hidalgo na ang nasabing kahusayan ng mga nasabing mag-aaral sa tatlong pangunahing subjects ay ma-tutukoy sa paggamit ng mga ito ng bilingual language.
Idinagdag niyang nahihirapan naman sa pagsasaulo o komprehensiyon ang mga estudyante partikular na sa English bilang 'mode of instruction'.
Samantala, ayon pa kay Montesa, kailangang itaas ang sahod ng mga guro upang lalo ng mga itong pag-ibayuhin ang kanilang pagtuturo.
Naniniwala siyang ang pagdaragdag sa suweldo ng mga titser ang tanging paraan upang mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
************************************************** *******
IMO ..madami lang ako nakakausap mga taga Cebu at Bacolod mas sanay mag-english compare sa Tagalog..
-
November 9th, 2005 11:58 AM #2
As per experience mas mataas grades ko sa English compared to Filipino hehe. Bisdak ini :D
Di kaya malaking factor din ang environment ng provinces kaya mas mataas ang retention ng students doon? I'm assuming that the students took the exact same exam. Dun kasi mas may time ang parents na mag-tutor sa anak nila dahil maaga silang nakakauwi from work.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,754
November 9th, 2005 12:02 PM #3Palagay ko mas marami lang talagang temptation ang mga bata sa Manila na kung anon anong bisyo like computer games kaya napapabayaan ang pag aaral nila unlike sa province na hindi masyado
At sa province marami pa ring mga student ang takot sa teacher sa mga public school kaya nag aaral na mabuti..
-
-
November 9th, 2005 12:24 PM #5
dami kaseng distraction sa manila eh. unlike sa provinces konti pa lang kaya mas medyo focused sa schooling mga bata.
-
November 9th, 2005 12:26 PM #6
totoo yan, taas ng grades ko sa cebu nung elementary then pagdating sa manila HS and College dami nang bagsak.
-
November 9th, 2005 12:32 PM #7
I think some students value education more because of their situation in life. Malaking tulong sa low-income family yun pagiging scholar. Sometimes its the only thing that will make them succeed and have a better future. Iba pa rin yun may solid educational background. I mean since you don’t have experience as a new grad, it’s the only thing you have to prove to a company that they should hire you. Sometimes, kahit may trabaho na nagaaral pa rin - certifications, MS degrees, PhD’s and it goes on. Education is really part of survival just to be one step ahead of the competition. At para tumaas rin sweldo at mapromote sa trabaho hehehe Kaya masmaganda magpatayo ng sariling business na lang
Last edited by cardo; November 9th, 2005 at 12:40 PM.
-
November 9th, 2005 01:04 PM #8Dun kasi mas may time ang parents na mag-tutor sa anak nila dahil maaga silang nakakauwi from work.
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Oct 2004
- Posts
- 2,315
November 9th, 2005 02:00 PM #9totoo ito. Sa u.p. palang yun mga nakakapasa ng upcat mas madami taga province kesa taga manila
-
November 9th, 2005 02:20 PM #10
isa pang factor dito, mas driven yung mga bata sa probinsya kumpara sa mga taga metro manila. para sa kanila, ang pagkakaron ng pinag-aralan e paraan para umunlad sila o makaahon sa kahirapan. di tulad sa mga taga maynila (di naman nilalahat), ang pag-aaral e tinatrato nilang paraan para makakuha ng allowance lang. pero palagay ko, yung mga naka high scores taga maynila pa rin, pero sila din yung mga pinaka low scores. on average siguro mas mataas yung mga taga probinsya pero yung extremes ng scores (lowest and highest) malamang taga manila... imho lang ;)
2026 Toyota RAV4 Reveal: Versatility for Every Adventure | Toyota Toyota USA
Toyota RAV4 (6th Gen)