New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 42
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    IBINUNYAG kahapon ng Department of Education (DepEd) na mas mahusay sa Math, Science at English ang mga public elementary students sa Visayas region kumapara sa mga taga-Maynila.

    Inihayag ni DepEd Assistant Secretary Camilo Montesa na ito ang lumitaw sa pinakahuling resulta ng national achievement test na isinagawa ng kagawaran noong nagdaang taon para sa grade six students bilang preparasyon sa high school.

    Ayon kay Montesa, ang mga estud-yante sa Eastern Visayas ay nakakuha ng score na 72.6% sa math, 69.97% sa English at 63.74% sa science habang ang mga estudyante naman sa National Ca-pital region ay nakakuha lamang ng score na 56.9%, 57.59%, at 52.8% sa math, science at English.

    Pumuwesto ring pang-8 ang mga mag-aaral ng NCR sa 17 rehiyon kung saan ang Caraga ay pumangalawa habang ang Autonomous Region in Muslim Minda-nao ang pumangatlo.

    Ipinaliwanag ni DepEd Officer-in-charge Fe Hidalgo na ang nasabing kahusayan ng mga nasabing mag-aaral sa tatlong pangunahing subjects ay ma-tutukoy sa paggamit ng mga ito ng bilingual language.

    Idinagdag niyang nahihirapan naman sa pagsasaulo o komprehensiyon ang mga estudyante partikular na sa English bilang 'mode of instruction'.

    Samantala, ayon pa kay Montesa, kailangang itaas ang sahod ng mga guro upang lalo ng mga itong pag-ibayuhin ang kanilang pagtuturo.

    Naniniwala siyang ang pagdaragdag sa suweldo ng mga titser ang tanging paraan upang mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
    ************************************************** *******
    IMO ..madami lang ako nakakausap mga taga Cebu at Bacolod mas sanay mag-english compare sa Tagalog..

  2. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    5,567
    #2
    As per experience mas mataas grades ko sa English compared to Filipino hehe. Bisdak ini :D

    Di kaya malaking factor din ang environment ng provinces kaya mas mataas ang retention ng students doon? I'm assuming that the students took the exact same exam. Dun kasi mas may time ang parents na mag-tutor sa anak nila dahil maaga silang nakakauwi from work.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #3
    Palagay ko mas marami lang talagang temptation ang mga bata sa Manila na kung anon anong bisyo like computer games kaya napapabayaan ang pag aaral nila unlike sa province na hindi masyado

    At sa province marami pa ring mga student ang takot sa teacher sa mga public school kaya nag aaral na mabuti..

  4. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #4
    Pwede, dami kasing kalokohan sa TV..

  5. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #5
    dami kaseng distraction sa manila eh. unlike sa provinces konti pa lang kaya mas medyo focused sa schooling mga bata.

  6. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,317
    #6
    totoo yan, taas ng grades ko sa cebu nung elementary then pagdating sa manila HS and College dami nang bagsak.

  7. Join Date
    Jun 2003
    Posts
    1,961
    #7
    I think some students value education more because of their situation in life. Malaking tulong sa low-income family yun pagiging scholar. Sometimes its the only thing that will make them succeed and have a better future. Iba pa rin yun may solid educational background. I mean since you donít have experience as a new grad, itís the only thing you have to prove to a company that they should hire you. Sometimes, kahit may trabaho na nagaaral pa rin - certifications, MS degrees, PhDís and it goes on. Education is really part of survival just to be one step ahead of the competition. At para tumaas rin sweldo at mapromote sa trabaho hehehe Kaya masmaganda magpatayo ng sariling business na lang
    Last edited by cardo; November 9th, 2005 at 12:40 PM.

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #8
    Dun kasi mas may time ang parents na mag-tutor sa anak nila dahil maaga silang nakakauwi from work.
    maging ang mga bata ay maaga umuuwi or pumapasok sa bahay sa province compare sa maynila na kahit 9 pm na ay may nakatambay pa at may naglalaro pa

  9. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #9
    totoo ito. Sa u.p. palang yun mga nakakapasa ng upcat mas madami taga province kesa taga manila

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #10
    isa pang factor dito, mas driven yung mga bata sa probinsya kumpara sa mga taga metro manila. para sa kanila, ang pagkakaron ng pinag-aralan e paraan para umunlad sila o makaahon sa kahirapan. di tulad sa mga taga maynila (di naman nilalahat), ang pag-aaral e tinatrato nilang paraan para makakuha ng allowance lang. pero palagay ko, yung mga naka high scores taga maynila pa rin, pero sila din yung mga pinaka low scores. on average siguro mas mataas yung mga taga probinsya pero yung extremes ng scores (lowest and highest) malamang taga manila... imho lang ;)

Page 1 of 5 12345 LastLast
Promdi pupils mahusay sa Math, Science at English kaysa taga-Maynila