Smuggled na Ferraris, Porsches, Benzes, at Lamborghinis sa Sta. Ana Cagayan, sisirain na sa miyerkules
TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN - Ipapakita ni pangulong Duterte sa publiko kung paano sisirain ang mga naipuslit na mamahaling sasakyan papasok sa bansa.
Ito umano ang pangalawang pagkakataon na isasapubliko ang pagsira sa mga smuggled luxury cars na nauna ng ginawa ng Bureau of Customs (BOC) sa pier ng Cebu at Davao.
Sinabi ni pangulong Duterte na ipapasagasa niya sa bulldozer ang mga nakumpiskang luxury cars sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) sa Sta. Ana, Cagayan nagyong darating na Miyerkules March 14, 2018.
Iginiit ni Duterte na hindi na umano uubra ang dating gawain na pandaraya sa buwis ng mga sumggler.
Kasama sa mga sisirain ang mga luxary cars gaya ng Ferraris, Porsches, Benzes, at Lamborghinis.