Results 11 to 15 of 15
-
December 5th, 2006 10:06 AM #11
up ko lang tong topic na to... fuego, ano na update? naayos mo na ba?
pano na fix?
-
December 10th, 2006 04:47 PM #12
rsnald, hindi ko pa rin naayos. Hindi ko pa napa adjust ang valve kasi nag Baguio kami.
May feeling ako na electrical ang problem. Eto mga observation ko:
1. Sobrang nginig: Bukas AC + bukas ang headlight + operating temp (800rpm at 12V sa voltmeter)
2. Nginig: Bukas AC + patay Headlight + operating temp (800rpm 12-13V sa voltmeter)
3. Medyo nginig: Headlight lang ang bukas + operating temp (750rpm 14V sa voltmeter)
4. Mahinang nginig (ramdam mo na pumapangit ang idle): I-activate ang power window + operating temp (750rpm 14V sa voltmeter)
Dagdag sa 1 at 2, napansin ko din na habang tumatakbo tapos mag down-shift sa 2nd or 1st gear para huminto, kumakadyot-kadyot na parang mamamatay ang makina. I suspect na dahil humihina ang ikot ng alternator?
Kapag walang AC, headlight, at power window na tumatakbo, ok ang idle. Wala ring nginig kung hindi pa operating temp ang makina.
Isa ring observation ay kung i-on mo ang signal light, pumapalo ang voltmeter from 12-14v, sabay sa blink ng signal light. Di ko sure kung normal ito.
BTW, wala din problem kung running na on high RPM 1000 to 2500.
Ang isusunod kong ipa-check ay valve clearance tapos pa-check ko ang electricals (alternator at magnetic clutch sa compressor) sa Wizards. Update ko kayo kung ma-solve ko ang problem.
-
December 13th, 2006 09:06 PM #13
Bro, try mo pa-check yung bearing sa may pulley then bearing sa alternator... minsan kasi dahil sa busted bearing lumalakas ang kain ng load.
-
December 13th, 2006 10:15 PM #14
sir mdpo, aling pulley? crankshaft?
Ipapa-baklas ko sa wizards ang alternator para ma-check ang dalawang bearings nito.
Salamat.
-
December 14th, 2006 09:05 PM #15
Pina-check ko sa wizards ang alternator. Wala naman daw problem. Di na kailangang palitan ang bearings. Dinala ko rin sa Dallas (tabi ng Wizards). Pina check ko compressor. Ok pa daw. Di rin kailangang palitan ang bearing. So, back to square one.
Paalis na sana ako nang tiningnan ng mekaniko ng Dallas ang engine support ko. Sinubukan niyang kinalsohan ng screwdriver ang lefthand support. Nawala ang vibration. Although bago at "orig" ang support ko (according sa binilhan ko), hinala ng mekaniko ay either malambot ang goma or peke or masyadong mataas ang goma kaya hindi kayang pigilan ang vibration during high load. Naalala ko yung engine support ng bayaw ko (Fuego 2000). Yung sa kanya, mababa lang at parang may takip na bakal (ang goma). Etong sa akin, mataas na exposed ang goma.
Paglipas ng gastos sa pump calibration, bagong nozzle, linis AC. etc. etc., balik na naman ako sa Engine Support.
Ano ba talaga ang itsura ng original engine support ng 96 LS? Ganito ang itsura ng nakakabit sa pickup ko:Last edited by Hibiki; December 14th, 2006 at 09:17 PM.
Better to buy the similar-era clone starex 4x4 (not sure lang if local or imported but original lhd...
Mitsubishi Philippines