Hmm... saken lang,
sa Isuzu Alabang, oks naman sa Sportivo M/T namin and XTO A/T dati. Wala gaanong problema except minsan ung mga nirerequest mong service eh hindi nagagawa o nakakalimutan. Gaya nung pinaayos namin ung panghold ng rear seats ng Sportivo, pinarequest namin na ayusin yung clips, walang nangyari. Hehe..
GM P.Tamo naman, oks! Kaso kelangan magpareserve ka talaga at aabutin ng isang araw bago matapos ang PMS! Paglipat ko sa Chevrolet Alabang, ayun! Wala pang dalawang oras tapos na! Pwede mo pa silipin kung ano talaga ginagawa at kung ano ung makita mo sa list ng ginawa nila, yun lang talaga ang makikita mong nilagay/tinanggal gaya ng headlights, oils, etc.
Pero di nga lahat ng kasa eh oks. Worst kasa na napuntahan ko't pinupuntahan pa eh ung Citimotors aka Mitsubishi sa Makati, along Chino Roces tapat ng Don Bosco! Gagawa ng checklist, pababalikin ka ng hapon, pagbalik mo ng hapon, andaming scratches sa body! Parang cables na tinrasfer nila from left to right side of car over the roof! Sabay nung nireklamo ko na wala sa checklist yung mga scratches, tinawag ba naman ung nagchecklist sabay sinabi saken, "Sir, di po namin talaga tinitignan ung status ng roof paint"! BS! Sinabi ko "Eh ba't sa diagram ng checklist nyo ung bubong ko walang nakaindicate na scratches! Dito nanggaling yun! Ako nalinis ng sasakyan ko at ni isang gasgas wala pa yan hanggang kaninang umaga nung dinala ko dito!". Sabi pa rin ba naman saken, "Sir di po talaga dito yan eh, kasi wala naman po kaming cables na ginamit para sa PMS, check nyo man po ung mga ginawa namin, change oil lang naman po eh". Sabay di oras talaga napamura na lang ako at umalis. Pinagawa ko na lang ung pintura sa labas. Sabay after another 5000km, kinailangan na namang dalhin sa casa ung Lancer ng dad ko, wala eh, no choice talaga dahil company car yun at under warranty pa. Sabay every PMS at repairs covered ng company kaya dun talaga. So pagdating ko na naman dun, pachange oil, inabot saken checklist pero this time nagpasama ako sa nagchecklist para ako na mismo magdouble check kung hindi binasta-basta ung checklist! Ok na. Pagbalik ko nga lang ng hapon, pambihira! May singaw ung steering pump! Pag nagaaccelerate parang pang-drag ung sasakyan sa sobrang ingay na parang sira ung muffler! Bwisit talaga! Ininquire ko na naman sa kanila and buti at ni-warranty nila! Kung hindi demandahan na talaga!
Sheesh... talk about worst casa experience and you can't do anything about it! Worst of all, 3 months na and ung parts na kelangan for replacement are still out of stock! WTF?!