Patulong naman po.

I have a 97 cefiro purchased last year. napaayos ko na ibang mga sira but merong pang natira, at merong nag-appear bigla:

1. kailangan warmed-up muna yung engine para gumana yung "D" sa automatic transmission. otherwise, kailan mag-start muna sa "1" or "2". pag less than fully warmed-up yung engine, either hindi kakagat sa "D" o kaya may shift shock na mararamdaman. Sabi nung isang mekaniko, kailangan na daw i-overhaul buong transmission. What do you think guys? any advise kung saan maganda at mura kung sakasakali?

2. May mga kumakatok na sounds na hindi matrace na mekaniko ko. Parang nasa panel or sa aircon. Sinikipan na lahat ng wires, sinilip ung sa tires at sa engine, pero walang makita. May spesyalista ba para sa mga undiagnosed na mga kalampang na ito?

3. may kabig sa left yung steering wheel na hindi ma-correct ng computerized wheel alignment, balancing at camber. sabi ng mga tao dun, di na raw talaga macocorrect yun due to some mechanical problem dun sa kotse mismo. tama po ba yun?

Hoping po for your opinions with regards to these problems. thank you very much po