Magandang gabi ginoo!
Maligayang pagdating sa TSIKOT.com
Sa aking pananaw....hindi na ito tungkol sa kung gaano kaganda, kabilis at Ka-perpekto ang isang sasakyan....tungkol na ito sa kung paano iintindihin ng isang indibidwal na nagbabasa ang itinala ng kapwa nya mangbabasa sa ating kaluponan dito sa internet...
ngayon, sa pagkakatong ito ang nasabing indibidwal ay may pangunawa na hindi na-aangkop sa mga paguusap na ginagawa natin sa kaluponan na ito...bagkos ay kailangan nya lamang kausapin ang kanyang kapitbahay na taratitat at bigyang solusyon ang hindi nila pag kakaintindihan at hindi na dapat dinadala pa sa kaluponan ito....ayon lamang ay kung may katotohanan nga ba ang kanyang itinatala dito o likha lamang ng kanyang mapaglarong kaisipan.....
inyo na sanang pag pasensyahan kung malayo sa tinakdang usapin ang aking itinala....di ko na lamang talaga matiis na magwalang kibo sa taong nabanggit na sadyang may makipot na pang unawa at sumisira pa sa imahe ng paraan kung papaano mag bigkas ng salita ang ating mga kababayang batangueño....
