*taz, pag ginalaw yung injection pump mo, wala na yung adjustments ng pump during tuning.
Sent from my GT-I9300 using Tapatalk 2
Gud day mga sir newbie here and I'm very happy to have found this forum. Owner ako ng 2002 FM 4x2 sya. Wala naman ako problema so far gusto ko lang i restore to its oem glory. Ano po mga sir ang ma susuggest nyo. Gusto ko sana unahin ang makina, saan shop kaya ako pupunta to have it check kung ano dapat palitan? I was thinking of alexcar restoration pwede kaya sa knila na engine lang ang paparestore and any idea magkano magagastos?
Good day at welcome sa tsikot, as well sa Pajero thread. Hmmmm, tignan mo muna kung ok pa status ng body at pintura. Kung ok pa eh wag na masyado galawin. Kung sa engine, check for leaks, belts, at condition kung ok pa. Hindi naman kelangan ke Alex yan dalhin. More of dapat focus sa repairs dahil sa 11 years na yun sasakyan eh may mga parts na dyan na pwede na mag-breakdown.
Kamusta usapan ninyo ni Chris?
Testa sinabi ko sa kanya ung hard starting ng fm ko, tinawag nya yung tony ang pina check ung electrical ng glowplugs ko, sabi nila di daw gumagana yung controller ng glowplugs kasi hindi umiilaw sa panel at wala tunog ung relay. Normal lang naman yon dba dahil maiiniy pa yung makina? From cold start nakikita ko umilaw yon at naririnig ko yung click ng relay. Anyway nagtanong na lang ako magkano aabutin pag binaba ang injection pump, minimum 18k daw. Tapos sabi pa nung tony na posible daw na may kinalaman ung naka disconnect na wire sa oil sending unit doon sa hard starting ko.....parang di na nila alam yung mga sinasabi nila eh. Kung alam ko lang na hindi ksama ang baba ng injection pump sana sa malabon diesel na lang ako nagpa calibrate. Calibration din kasi ang term na ginamit ng berrima, kala ko standard ba yung ibaba ang injection pump and gamit repair kit. Sayang pera ba doble gastos pa ako.
Parang magulo na yata sa Berrima?
Sent from my GT-I9300 using Tapatalk 2
[QUOTE=testament11;2280963]Good day at welcome sa tsikot, as well sa Pajero thread. Hmmmm, tignan mo muna kung ok pa status ng body at pintura. Kung ok pa eh wag na masyado galawin. Kung sa engine, check for leaks, belts, at condition kung ok pa. Hindi naman kelangan ke Alex yan dalhin. More of dapat focus sa repairs dahil sa 11 years na yun sasakyan eh may mga parts na dyan na pwede na mag-breakdown.
sir, thanks for the quick reply. Ok pa ang body makinis at malinis actually hand me down ito from my dad pero second hand na din nya binili. nag palit lang sya ng bnew na suv. bago nalipat sakin pinalitan na ang timing chain, alternator. wala rin naman kalampag pero hinde na oem ang front shocks nya dahil di na gumagana ang s m h. gusto ko lang i restore ang engine focus talaga ako ngayon sa repair kung meron man. pano pa ba mapapaganda ang hatak nito? medyo bitin kasi sa acceleration. sa pang ilalim naman balak ko isaisahin ang pyesa like shocks at bushings at kung ano ano pa. di ko lang alam at di ako familiar sa mga pangalan ng parts. I will post a pic next time and kung ano ang mga papalitan ko to update this forum. as of now nag baback read ako and very interesting itong forum. Open ako sa suggestions kasi di ako familiar sa pajero, coming from an american suv. TIA.![]()
One thing is clear, they dont calibrate but they tune... di ba washer mod lang naman ginagawa nila? Mod you can read and know about sa pajero club UK for free ...
Best siguro we stick with bosch central diesel and malabon diesel para sure ball ang gawa ...
Btw me nakita ako na mod sa td04 turbo ng 4m40 on youtube, papalitan yung impeller ... hehehe
Sent from my GT-I9300 using Tsikot Forums Mobile App mobile app
Kung tuning di ba 7-8k? Sa bahay ko lang yan gagawin.. hehehe me pambili pa ko boost guage..
Sent from my GT-I9300 using Tsikot Forums Mobile App mobile app
Yung price ba kasama na install?
Sent from my GT-I9300 using Tapatalk 2
Actually, sort of maling term pero hindi rin kasi talaga binababa basta basta ang injection pump. Yun oil sending unit mo ba eh buo pa ba? Kasi kung sira na yun, medyo hirap yun sasakyan tumakbo at mag-start, as per experience. Balik mo nalang muna yun disconnected wire at palitan yun oil sending unit kung sira.
Sa hatak, talagang sluggish ang 4M40 pero once umapak ng 80kph, doon na siya mag-uumpisa humatak. Siguro tuning o gawin yun washer mod para lumakas ang hatak. Another is (pero magastos ito), install Devilsown Water/Alcohol Injection. Para siyang nitro pero ang ni-ispray niya is methanol and water mixture. Kung sabi mo bago na timing chain, at alternator, konti or almost wala ka na gagalawin dyan. Sa mga pang-ilalim naman, ball joints, tie rods, idler and pitman arms, bushings, stabilizers, yan ang mga dapat i-check.
Berrima kasi is Bosch diesel center accredited din. May certificates din sila. Di ko lang maintindihan kung bakit medyo kulang service nila. Kahit yun pinuntahan kong Ishimoto eh Bosch diesel accredited din. Iniisip ko nga pumunta ng Malabon Diesel at parang may leaks pa yun injectors ko, pero di na kagaya ng dati na malakas. Mukhang kelangan na palitan ng o-ring.
Nice and congrats!