Sa sul!+ BG, hahaha! Pero may isang seller doon akong binabantayan na meron nito. Ewan ko lang kung available pa yan.
Sa sul!+ BG, hahaha! Pero may isang seller doon akong binabantayan na meron nito. Ewan ko lang kung available pa yan.
* sir BG - yung nakita nyo po sa ayosdito, yan na yung kursunada ko.. wala pang budget kaya d ko pa na tatry i-fit in person.. pero nagkatexan na kami ng seller.. inoffer nya sakin last year pa..
sira na talaga kase yung manibela ko so kailangan na replace.. marami nagbebenta dito 2k whole steering assembly kase sira na din leather wrap.. kaya naisipan ko itong gen3.. at least brandnew pa.. hehe
will try and fit this weekend..
Salamat!
Mga Pare koy, bago lang ako dito. baka meron may alam sainyo kun papano pa madadadagdagan ang speed ng pajero FM 4x4 Manual Local made.kasi sagad na sya sa 120KM, medyo bitin pag nasa expressway.thanks any advise will be highly appreciated.
Medyo mahirap hanapin sa Banawe ang manibela ng Pajero, lalo na yun napupusuan kong manibela. Sinabi ko yan sa gf ko na gusto kong magpalit ng manibela. Ayun, nagalit. Sinabi na bakit daw ako papalit eh working naman manibela ko. Sabi ko, gusto ko lang maiba manibela ko kasi medyo nagsasawa na ko![]()
Hi, 3500 RPM, Hindi na umaabot ng 4000 RPM, sagad na yung accelerator brod. ramdam ko kasi na may itatakbo pa pero di ko lang alam kung bakit hanggang dun lang, kapapalit ko lang in ng fuel filter, oil filter tsaka bagong change oil fully synthetic, pero mabilis syang pumalo sa 100KpH kun acceleration lang, pagdating nga lang sa rekta, bitin na ako. pero sa performance satisfied ako kung normal na takbo lang.kelangan ko na ba ng calibration sa injection pump? o palitan ko na glow plug? medyo matagal na glow plug ko 2 years na.pasensya na brod madaming tanong.okey kasi conversation nyo dito.masaya sumali.Im Eric
Medyo mataas na yanng 3.5k RPM sa 120kph. Normally kasi, pag 120kph ka na, yun tachometer mo eh nasa 3k RPM lang yan dapat. Things to check:
1. Cable adjustment
2. Engine tune up
3. Injectors
4. Air filter
5. Injection pump
Ang glow plug naman kasi, kelangan lang siya para mag-start ng makina. Pero di naman yan basta basta pinapalitan, unless busted. Check mo muna yung mga glow plugs mo bago ka magpalit.
Tsaka welcome na welcome ka dito. Open naman kaming lahat sa mga tanong mo at willing kaming tumulong sa lahat ng mga Pajero owners.
Since manual unit mo, kelan m last na check ung clutch? Di ba sliding? :what:
Tsaka baka nasanay na city drive, i remember dati ung hilander ko. Previous owner hanggang 40kph lang takbo, ayun hirap mag 60-70kph. Binirit ko lang ng binirit para masanay, eventually napaabot ko rin ng 130kph... hehehe ;)
*sir nelany, negative on re-wrap. I need an upgrade... hehehe
masarap mag hunting ng surplus dun sa mac arthur hi-way sa dalandanan tabi tabi sila dun.... :D
Sent from my GT-I9300 using Tsikot Forums mobile app
Last edited by blue_gambit; January 15th, 2014 at 05:21 PM.