Oonga pre eh dapat maintindihan niya yun kung sa oto niya din naman siguro ganun din siya noon.
Kanina niplastidip ko emblem sa likod, then napansin ko may uka at scratch yung ilalim ng spoiler, baka sa pagkakabit nila nagasgasan nung mga tao nila. Kay Atoy or Zworks na lang tayo next time, sundin ko mga advice ni Lisa Mae, laging ok eh, si Zworks recommended niya hehehe
Ngapla Mike merong Groupbuy si Speedlab ng headers, 12k, tara na palista na hehe
Haha saka na ako. Wala pa budget. Tsaka priority ko ngayon new wheels. Inggit na ko sayo. Hehe. Iwas ako sa zworks. Ang mahal dun eh. Pero quality talaga. Carbon fiber specialty nila eh. Most probably sa kanila ako kukuha ng CF hood kung natripan ko at walang 2nd hand online. Parang gusto ko rin ipakulay yung diamond emblem ng red. Both front and back. Di ko lang alam saan pwede. Meron bang makakarecommend sakin?
makukuha ko na yung EX ko this week, dapat last week kaya lang sobrang busy.
nagbibigay ba kayo ng tip sa Sales agent?
nagcheck ako sa Zworks wala daw silang stock GTA wing, parang sa clifford lang meron.
baka po may alam kayo papaglayan ko din agad, hehe
Pre hanapin mo sa MLPH meron dun nagpost binebenta niya stock gta parts niya, bumper, wing, etc. Wala lang side skirt, check mo baka avail pa yung Spoiler, 6k price niya kulay pula.
About sa tip sa ahente, depende. Ako kasi tropa ko yung ahente, hehe Ang gagawin ko na lang sa kanya ko bebenta stock rims/tires ko ng 8k. Kesa itrade in ko same price din dun na lang sa tropa kong SA hindi pa masama loob ko, masaya pa siya. hehe
ah wala pala gta wing ang zworks? pero meron sila gta front bumperyup sa sunod kay mike zworks na kayo. bait at subok na produkto nila
*rocky - anu specs rims mo? offset and width. tire mo is 225/40/18 right?
Ganda ng wheels mo rocky! Kakainggit! Hehe..nga pala eto yung seat cover na napagawa ko..
![]()
Ganda ng gawa ah! May nakausap ako taga Fortis crew din sabi niya yung Winterpine daw kaya irestore tong stock ng upuan natin so ok na siguro ako ng wala ng cover, pag nasira na lang after a number of years dalhin ko na lang sa Winterpine pagawa bago para pogi ulit hehe Gusto ko kasi tong stock natin maganda at comfortable. :-)
Nice car Sir Rocky! Tanong lang, mas okay ba kumuha ng 2nd hand na GTA spoiler o magpagawa na lang? Iba ba ang material na gamit?
Magkano damage mo sa spoiler at mags and wheels? Also, magkano inabot mo para dun sa front bumper mo para maging GTA look? Pasensya na sir kung maraming questions, gusto ko lang magka idea kung magkano aabutin ng mods ko. Thanks!
By the way, same color din tayo, red.
Yung 2nd hand OEM GTA wing kasi orig yun plastic, yung mga pagawa ata eh fiber or carbon fiber.
Yung spoiler 6k 2nd hand then parepaint (kasi may scratches although same color) and install is 2.5k sa Clifford. Yung Mags and Wheels say 55k, ROTA + Federal. Tapos lowering spring worth 13.5k ata brand new, nakakuha ako 2nd hand worth 7k lang. So Spoiler and install + Lowering Spring + Mags/wheels = 70k. Tsaka konting tiyaga, oras at gaso kasi byahe sa pagpunta sa tindahan at tao kung 2nd hand pati sa pagpapainstall hehe Yung spoiler ko sa Batangas pa yan at yung Spring sa San Pablo Laguna hehe Sinakto ko lang sa GEB ng MLPH para isang lakaran lang
Yung front bumper ko nagpasticker lang ako na chipipay na flat black dun sa mga nagssticker sa motor, 350 petot lang damage para dun sa nose plate or center bar, sa Banawe sa pinagawan ni Mikemike ng sticker niya ang quote akin 920 petot e-- mahal. Yung mitsu logo ni-plasti dip ko lang worth 600 petot sa Speedlab.
Fog lamps in case you wonder sa Concorde 3.3k lang libre install :-)
Inabot lang ng 3.5k kasi coupon sa ensogo ata nabili ni misis..pero sabi sa autoworks yung ganyan daw eh 6k dapat so ok na hehe..surprisingly, hindi sya masyado mainit at hindi rin ako pinapawisan sa likod..kasi yung dati sa itlog na lancer namin naka leatherette din pero putek puro pawis eh hehe..