Mamaya kakabit na ang GTA wing sa Clifford. Sana tapos na pinturahan hehe Pre may binebentang Ce28 sa JDM Select may gulong na 27k, 2nd hand. Pero malinis pa, naka Bridgestone Potenza Re11 na goma baka gusto mo, parang hyperblack ang kulay niya, maganda.
Yung 4.5k kay Sid pang stock ng GTA yun? Magkano kaya yung Ultra racing na orig? Kahapon nadaan ako JDM Select Cusco na strutbar is 10.7k. Mahal pala yun hehe
yung kay Sid pang lancer ex. parang ganto yata yun -> Strut bar Lancer ex sulit
may nagbebenta sa sulit 4k, ultra strut na -> ultra racing strut bar for lancer ex Philippines - 7967106
mabait si Dondi sa jdmselect, sa kanya ko kumuha ng tein-s (libre kabit). mas mura din yata full carbon hood nya w/ carbon scoop kesa kay clifford, HC brand pa.
Sulit yung ce28. Kaya lang 18s ba yun? Di ko pa kasi alam kung papapower package ako eh kaya 17s muna.
Sipatin mo mabuti pagkabit ng spoiler mo. Kasi yung akin may kalat kalat na sealant eh. Di ko pa napapaayos wala pa akong oras eh. Hindi matanggal sa carwash eh. Baka ipatanggal ko nalang sa big berts pagnagpa new car paint protection ako kung di nila matanggal. Konti lang naman kaya lang pagnililinis ko naiinis ako dun sa stain eh.
Yup 1.6 ito na M/T. Konti lang difference sa performance, in fact mas masarap imaneho ngayon nung naka drop at lumapad ang gulong. Although nung una kahapon parang napansin kong humina nga pero konti lang, sa hatak lang pansin eh, pero pag nakarekta na ok naman. Pero kanina ok naman sa hatak, siguro psychological lang din na masyado kasi tyong nagwoworry sa epekto sa performance, kanina kasi papasok ako mejo aggresive ang ginawa ko e, ok naman siya. Basta kung meron mang epekto sa performance, konti lang for me, pero kelangan ko pa siguro ng mga ilang araw para maconclude. Either way plano ko din namang mag power package pag may budget na ulit hehe
Yung FC ko observe ko din muna, pero halos same FC lang nung naka 16 ako. Kanina from Nova to Quezon Ave 8.5 konsumo ko, may mahaba kasi kong dinaanan na subd at puro humps kaya mabagal. Tapos pagdating highway aggresive naman hehe Pero need ko pa nga siguro ng ilang araw. :-)
Pre 17s yung Ce28 na concept one 2nd hand lang ha. Pero maganda naman siya pa at malinis. Pinicturan ko talaga para sayo kaso nasa office ako ngayon hindi ko maupload e hehe Maya pagkauwi na lang or bukas pa ata uwi ko :-)
Yup tignan ko maigi yung gawa ng Clifford kasi nung nagpunta ko dun ng Tuesday may magpapakabit nung ARS kits niya naka 1.6 din sya, eh yung chin sablay ang gawa kaya pinaulit niya, sinabihan niya din ako na bantayan ko lang daw kasi may mga sablay din sa gawa, yung kulay daw niya na black hirap makuha hindi kaya yung maliit na kinuha sa bumper para ibase yung kulay, kaya pumupunta pa sya para buong auto nya yung basis ng timpla. hehe
don't worry, magkakaron ka ng annual trip kay clif, one year lang kasi itinatagal ng pintura nya bago ka mainis at magparepaint ulit nyahahahah
*rockyds - yung CE28 na 17s kay Dondie 5x114 ba? ang alam ko kasi 5x100 yun
Nice review Rock, minimal lang pala talaga yung difference.
Ang norm nga ata is usually mga 3HP nawawala sa wheel and tire upgrade to a larger diameter, pero sabi ni sids sa mlph lalabas na yung hotpipes headers for the 1.6 fortis, 4.5 WHP daw ang gain! compensated na kagad yung loss mo dun sa bigger rims mo :D kahit yun lang muna ang upgrade pwede na eh
Thanks pre. Pagkanaubos mo na tank mo paupdate sa FC.
*lisa
Nako nako. Wag naman sana. Sobrang hassle kung ganun. Tsaka magastos din. Pero kung tutuklap o magiging off yung shade sana mangyari habang nasa warranty palang. Hehe. 6 months lang eh sayang hindi 1 year. Yung kapatid ko may nirerecommend saking paint shop eh. Kaya lang di ko sinunod. Ang hassle kasi masyado magpabalik balik eh. Oh well. Looks like im gonna pay the price in the future.
guys, paOT lang...
anong masasabi nyo sa Hyundai Accent Hatch 1.6 CRDi?
may nakadisplay sa SM kanina, parang nanghinayang ako at bumili agad ako ng Lancer EX 1.6... kasi mas mura siya, 768k lang yung manual version, tapos diesel pa! tipid sa gas! tapos same lang displacement, 1.6L din pero advantage nya mas magaan yun kesa sa Lancer EX (i think, kasi mas maliit ang kaha e) so mas mabilis siguro umarangkada yun...
hehe, just asking for opinions, para sakin mas maporma pa rin ang EX pero parang naisip ko mas sulit ata yun kesa sa nabili kong EX haha.
if practicality was my only concern, accent na ako. sobrang bang for the buck ng accent crdi eh. kaya lang gusto ko rin ng porma. not that hindi maporma ang accent. maganda actually. i just see myself better driving an EX. siguro magsisisi ako once im the one paying for the fuel. im still in medschool kaya nakakalibre pa. hehe. siguro nga kung sarili kong pera ang ipangbibili ng kotse at ako gagastos lahat accent na kukunin ko. anyways eto yung nirerecommend ko ngayon sa mga kilala kong may balak bumili ng kotse. dati EX eh. affordable diesel engine with really really good fuel economy. its hard to beat that combo.