given that lahat meron na..(house,car) married with 2kids..Originally Posted by ILuvDetailing
given that lahat meron na..(house,car) married with 2kids..Originally Posted by ILuvDetailing
sweldo ko from my first job, fresh from college was p3,800 back in 1991 as a programmer.
Mahirap kasing maglagay ng standard kung magkano ba talaga ang dapat. Depende lahat yan sa attitude. Kahit sumusweldo ka pa ng 120k/mo kung di mo naman alam hawakan yon, wala din. Ang matindi kasi sa nakakaraming pinoy ay yung luho sa katawan di maalis-alis. Naging by-word na nga yata ngayon na " kahit di kumain, basta may cellphone lang at makapag-text araw-araw". Magbobote at magtataho nga mga naka celfone pa. Share ko lang, when I was in New York and New Jersey, mabibilang mo sa daliri mo ang mga Pinoy na hindi baon sa credit card at may cash sa bulsa. Ang gaganda ng mga bahay, kotse, mga damit puro signature. Pag summer, sigurado paitiman sila para malaman na nakapag-beach. Ang nakakatawa, pag mga nagpadala ng mga kahon sa kamag-anak sa pinas puro mga pinaglumaan nila. Ang laki ng mga sweldo pero wala din. Mga nurses, mga naka Porsche Cayenne, Touareg, Escalade (hehehe parang mga unano pag bumaba na sa sasakyan), pag nanghingi ng konting tulong mga nasa Pinas, walang maitulong.
Kaya nga sabi ko, directly proportional yan sa attitude. Meron kaming mga janitors and drivers sapat lang mga sweldo pero di mo kakitaan ng kakulangan at mga kuntento sa buhay. At wag kayo, pag inutangan ko loaded ang mga wallet. Pag magbayad sa school, cash. Nasa tamang paghawak lang talaga yan, maliit o malaki.
first job ko 18 k, 2 or 3 yrs ago..... 2nd job ko with current employer 30 k.... kaso di ako kuntento.....hanap pa ng mas malaki kita
Reality check muna tayo lahat para alam natin ang industry rate.
For a multinational bank dito sa Makati
Top 3 School ka Graduate Staff Position - 15k
Top 3 School ka Graduate Junior Executive Position - 25k
AIM ka Graduate Junior Executive/Executive Position - 45k
So local banks alam ko mas mababa... oh well....
OT:
hehehe, tutuo iyanShare ko lang, when I was in New York and New Jersey, mabibilang mo sa daliri mo ang mga Pinoy na hindi baon sa credit card at may cash sa bulsa. Ang gaganda ng mga bahay, kotse, mga damit puro signature. Pag summer, sigurado paitiman sila para malaman na nakapag-beach. Ang nakakatawa, pag mga nagpadala ng mga kahon sa kamag-anak sa pinas puro mga pinaglumaan nila.
hahaha ,mas tutuo iyanAng laki ng mga sweldo pero wala din. Mga nurses, mga naka Porsche Cayenne, Touareg, Escalade (hehehe parang mga unano pag bumaba na sa sasakyan), pag nanghingi ng konting tulong mga nasa Pinas, walang maitulong.
sa akin.mas maganda pa ang maliit ang suweldo kasi nag kakasya,pero once na lumaki ang sahod hindi na mag kasya at na-ngungutang na,kaya pag dating ng pay slip.puro deduction![]()
sakin parang ganon din maski maliit o malaki ay pwede naman pagkasyahin. pero syempre mas masaya kung malaki ang sweldo mo... pero mas masakit naman sa ulo at dapat syempre ay tumbasan kung ano ang binibigay sayo ng company mo. di naman po sa pagmamalaki ay medyo maganda ang kita ko dito sa Pinas pero I just live a very simple life with my family. karamihan din po sa mga biyayang nakukuha ko ay naipapamahagi sa immediate family ko. Di ako masaya ng madami akong pera, mas masaya ako pag nakakatulong ako... ewan ko pero kaya din siguro ako medyo nagkakaroon ng ganong biyaya ay dahil sa sine share din po sa ibang tao. Yan din ang dahilan kung bakit di pa din ako yumayaman ... heheheh..
Ang importante po ay sanay tayong magpasalamat dun sa nasa itaas kung ano man ang ibigay satin. At isang importante ay yung buo ang pamilya... yun lang po.
ranod55. 5 storey building kasi pinatayo mo agad,Originally Posted by ranod55
kaya kahit laki nga sweldo mo ,unti na lang natitira ..![]()
at isa pang importante ay wala tayo mabigat na karamdaman or lagi tayo malusog sabi nga nila "Health is Wealth"Originally Posted by wrcastro_ph
ang hirap din kasi ng mga nasa pinas(hindi lahat)...akala nila pinupulot lang ang pera sa abroad..yung iba kasi sa iyo na iaasa lahat...binigay mo na ang kalahating paa..gusto pa pati katawan kasamaOriginally Posted by Trajano
![]()
sabi nga nila wala sa laki ng kinikita..kundi kung paano ka gumagastos..
dito po sa amin,
clerical positions = P12k/mo.
data encoders = P17k/mo.
software/hardware = P25k/mo.
CPAs = P26k/mo.
Lawyers = P26k/mo.
Dept. heads = P50k/mo.
Commissioners =P250k/mo. plus 2006 honda crv service
Chairman = P300k/mo. plus 2006 cefiro
Lets break down the expenses: (per month)Originally Posted by ozcity
Electricity - 2to5K
Phone/Internet - 2K
Water - 2-4K
Gasoline - 2-4K
Food/Groceries - 5-8K
Medical - 4K
Misc - 5K
Car Registration - 3K +/- per car
Tuition fee - 50K/sem (on average pag private)
Income Tax - ???
Mga luho - ???
So I guess more or less you and your spouse should be earning around 50K or more. Again it will depend on how you spend... please add if I miss anything
Personally sa amin ng wife ko, adjustment lang ng lifestyle at reallignment ng priorities ang naging solusyon para mas makaipon kami. Right now, we have this policy na hindi kami kukuha ng ipangga-gastos namin para sa luho namin from the money na pinagpawisan namin. Kung may extra money from un-allocated sources (e.g. commissions, rebates, etc.) yun ang ginagastos namin sa luho. But hey, it's us. Eka nga, it doesn't mean na ang umuubra kay Pedro ay uubra para kay Juan.
buti nalang lahat ng living expenses namin ng mrs ko company paid..pati house at kotse. laki pala living expenses pag may asawa na lalo pag may anak na![]()
Yep, kaya talagang necessity ang mad-adjust sa lifestyle at sa priorities pag may asawa na - lalo na pag may anak.Originally Posted by BlueBimmer
So, kung thrice a week eh nasa Pegasus ka, dapat once a week na lang pag may wife ka na. Kung may anak ka na, aba eh kalimutan na Pegasus - 'dun ka na lang sa Gagamba sa may Cubao. :bwahaha:
here's my guestimate for our company (a telco):
staff / engineers: 9-20K
supervisors / officers: 20-35K
managers: 30-80K [service vehicle: 1.3L]
executives (avp to svp): 80-300K [service vehicle: avp, 1.3L; vp, 1.6L; svp, compact SUV]
ceo/cfo: 500K [2M+ vehicle]
or vise versa. sabi nila: 'it's not how much you earn, but how much you save.'Originally Posted by ozcity
Last edited by Fast Eddie; August 3rd, 2006 at 12:18 PM.
i follow the 70%/30% self-imposed ratio. 70% of income goes to the expenses, dapat pagkasyahin dun. the 30% left of the income is divided into three. savings, invesment and charity. Dream ko maging 10%/90% ang ratio ko. i forgot kung saan ko nabasa yung ganitong concept. sinabi din dun sa book na yun na wag kalimutan yung charity, tumulong sa kapwa at sa huli ikaw din ang pagpapalain.