sakin parang ganon din maski maliit o malaki ay pwede naman pagkasyahin. pero syempre mas masaya kung malaki ang sweldo mo... pero mas masakit naman sa ulo at dapat syempre ay tumbasan kung ano ang binibigay sayo ng company mo. di naman po sa pagmamalaki ay medyo maganda ang kita ko dito sa Pinas pero I just live a very simple life with my family. karamihan din po sa mga biyayang nakukuha ko ay naipapamahagi sa immediate family ko. Di ako masaya ng madami akong pera, mas masaya ako pag nakakatulong ako... ewan ko pero kaya din siguro ako medyo nagkakaroon ng ganong biyaya ay dahil sa sine share din po sa ibang tao. Yan din ang dahilan kung bakit di pa din ako yumayaman ... heheheh..

Ang importante po ay sanay tayong magpasalamat dun sa nasa itaas kung ano man ang ibigay satin. At isang importante ay yung buo ang pamilya... yun lang po.