Mahirap kasing maglagay ng standard kung magkano ba talaga ang dapat. Depende lahat yan sa attitude. Kahit sumusweldo ka pa ng 120k/mo kung di mo naman alam hawakan yon, wala din. Ang matindi kasi sa nakakaraming pinoy ay yung luho sa katawan di maalis-alis. Naging by-word na nga yata ngayon na " kahit di kumain, basta may cellphone lang at makapag-text araw-araw". Magbobote at magtataho nga mga naka celfone pa. Share ko lang, when I was in New York and New Jersey, mabibilang mo sa daliri mo ang mga Pinoy na hindi baon sa credit card at may cash sa bulsa. Ang gaganda ng mga bahay, kotse, mga damit puro signature. Pag summer, sigurado paitiman sila para malaman na nakapag-beach. Ang nakakatawa, pag mga nagpadala ng mga kahon sa kamag-anak sa pinas puro mga pinaglumaan nila. Ang laki ng mga sweldo pero wala din. Mga nurses, mga naka Porsche Cayenne, Touareg, Escalade (hehehe parang mga unano pag bumaba na sa sasakyan), pag nanghingi ng konting tulong mga nasa Pinas, walang maitulong.
Kaya nga sabi ko, directly proportional yan sa attitude. Meron kaming mga janitors and drivers sapat lang mga sweldo pero di mo kakitaan ng kakulangan at mga kuntento sa buhay. At wag kayo, pag inutangan ko loaded ang mga wallet. Pag magbayad sa school, cash. Nasa tamang paghawak lang talaga yan, maliit o malaki.