Not all but most people seem to be judgemental,pag nakakita ng pogi/maganda,sasabihin mayaman,sosyal,pero pag not so beautiful in short pangit,sasabihin manyakis,goons ex convictyour take guys
![]()
Not all but most people seem to be judgemental,pag nakakita ng pogi/maganda,sasabihin mayaman,sosyal,pero pag not so beautiful in short pangit,sasabihin manyakis,goons ex convictyour take guys
![]()
I don't equate good looks with wealth/stature.
Nowadays it's so easy to pay for good looks (glutathione, plastic surgery, hair rebonding/perming, liposuction, braces/veneers etc). I am more observant of a person's manners and speech. It gives a glimpse of a person's upbringing which I find very important.
wala sa itsura yan
may mga customer kami akala mo galing bukid pero may dalang plastic bag full of cash
I know people who shun others based on looks or stature. It's very juvenile. Parang HS![]()
I admit though that I can't help but admire people that I find "perfect", but these are people na by my standards have good character on top of the advantages in birth (looks, intellect, lineage etc)
Ako napagkalamalan na sekyu sa Ayala Mall. Naka-office issued barong ako that time tapos nakatayo lang sa isang lugar while waiting for my kasama.
I agree with Uls. Some of the most moneyed people i've dealt with look very, very ordinary.
Meron talaga tao na mata-pobre.
Meron din tao na puro flash, wala naman cash
Meron din tao na naka-shorts lang, sumasakay sa bus, yung suot na tsinelas magkaibang kulay pa, pero ang laman ng bulsa Php 300K. Pag dating sa banko, humaharap manager.
Meron din tao, pintas ng pintas sa kapwa tao nya, di nya alam siya ganun din. Hypocrite.
Nung ahente pa ako sa UMC, may bumili ng Patrol Safari. Yung dalang pera naka balot sa plastic, small bills and coins! Taga Malabon, may mga fishing boat. Yung pera may mga kaliskis pa ng isda. Nung natapos kami magbilang, may sobra pang 95K. Ginastos pa dun sa accesories ng Patrol nya. Cash lahat. Yung dala nilang pera 3 days na sales lang daw yun. Taxi lang sinakyan papunta, yung ibang ahente hindi pinansin dahil akala patay oras lang. Ayun.
Being mata-pobre, masamang ugali yan.
^
wow same thing happened to my friend na ahente naman sa toyota pasong tamo
walang pumapansin yun kaibigan ko ang kumausap, yun pala bibili ng Land Cruiser, Cash, nasa bayong naman yun pera
^
Much needed break ko yun boss, wala akong benta nun eh. Mahinang ahente.
^
pero d ba boss mas gusto ng ahente yun finance ng bank kasi mas malaki ang kita?
tama ba o mali ako?
^
OT, ideally yes. Pero sa kalagayan ko dati na medyo nagsisimula pa lang, I don't have much of a choice.
:D
Si congressman napagkamalang sekyu?You should have given this look.
Panalo yan look ni Grumpy cat :bwahaha:
Isn't it suspicious for people to still deal with cash on large amounts? Yung friend ko dati nakasabay ko dumating sa bank, I let her go ahead of me sa pila. When it was her turn, yung dala niyang SM plastic bag, cash pala! WTF!!! I was going to deposit a measly amount and it took so long for her transaction. Her dad is a politicianWe still try not to judge her. What's good is she still maintains an 8 to 5 job.
Last edited by _Cathy_; February 27th, 2014 at 04:19 PM.
Nung bago ako dito sa opisina mindful ako sa ganyan not to judge early based sa looks.
Madami kasi dito samin hindi mukhang bossing, hindi mukhang kagalang galang.
magugulat ka na lang nasa aattend ng meeting panginoon pala sa korporasyon hehe
^^
Meron naman dumating naka Pajero, kumpletos recados, alahas, mamahalin na relo, Police na shades, bigtime na bigtime. Agawan ang mga ahente, tapos after a few days ..... bagsak mga mukha nila, yung naka Pajero puro cmap alert.
:D
^
meron din nun sa legaspi sunday market pa kami mga 30 mins. before closing time, may dumating naka benz pumunta sa pwesto namin sabi kay wifey dapat 50% off na pumayag naman si wifey ako medyo hesitant
aba mga 3 weeks pabalik balik laging closing time dumating laging 50% off gusto
nun fourth time sabi ko hindi na 50% off uwi ko na lang sa bahay yun mga sobra, simula nun hindi na bumalik :D