hanep naman yan sa buhay. pero masarap ata talaga gawa niyo ni esmi.
naalala ko tuloy yung estante ng krispy kreme sa moa. nakatayo ako sa gilid eh closed na. bigla akong tinakam tapos maluhaluha ako. ibinuhos yung mga donat sa trashbag, pinagpunit-punit at binuhusan ng sopdrinks. hindi pa sila nagkasya dun, merong stick na round yung dulo at winasak ng winasak
yung pagkatao ng mga donat! hanggang sa mawasak at lumaki ang kanilang mga butas at lumabas ang mala bitukang creams nila at bumulwak ang maraming-maraming strawberry jelly na mukhang dugo!
naiiyak ako sa saket... ng sikmura.
sana tulad ng sa country style donats na habang papalapit na closing nag iilang percent off up to 30% pag 15mins before the store closes.
wala eh, dukha lang ako.
gustuhin ko mang mag mukhang mayaman pag nag neck tie ako mukhang salesman. pag nag barong mukhang valet. valet dancer.
Posted via Tsikot Mobile App
^Similar thing happened to me. I sometimes go to the weekend market near closing so I could get a good discount. I was seated near the stalls when I saw a guy dump a crate worth ata of vegetables at the trash bin. Lumaki talaga mata ko! The guy saw my reaction so he offered to give me the rest of the veggies that he was supposed to throw away![]()
There are also advantages in looking like you don't have money. When I go to divisoria, I wear my worst clothes, it's sort of my uniform na nga, jeans, faded polo shirt and rubber slippersPara I can bargain
![]()
yung mga ahente ng condominium at credit cards sa mga malls, mga nasa harap ko inoofferan ako hindi. pero di ko naman talaga afford or trip magcondo or kumuha ng credit card :D
Sent from Constantinople
^
Ung ahente ng condo minsan nakaka jackpot din sila may kilala ako pinakyaw nung client nila buong upper floors units. Instant milyonaryo na.
Posted via Tsikot Mobile App
hehe, ganiyan naman ginagawa ng mga nag-aalaga ng rabbit dito. pipila sa palengke para sa veggie scraps.
sabi ng sis ko kaya daw winawasak mga donuts kasi pag nakuha daw ng buo sa trash, puwede pa ibenta ulit at nagkaron daw ng kaso dunkin nung may pulubi kumain ng donuts nila sa trash, tapos nasaktan ng tiyan yung pulubi. ewan ko lang kung totoo yung latter.
pero tisay ka at mabango pa rin. pinsan kong lalaki pinagsasabihan ko noon huwag bibiyahe ng madaling araw dahil delikado, rarasonan ako ng mukha naman siyang pulubi at holdaper sa suot niya.
sabi ko t*nga siya, ang puti-puti niya at ang taba, mapagkakamalang cross ni mark anthony at vandolph.
We used to have 2 rabbits before. Si George and MichaelThey were in separate cages and we'd feed them talahib or kangkong. I do establish a relationship with my suki at the palengke (I learned that from my parents) so I get a special price from them. I only get P20/kilo of Papaya. I buy 10 kilos every week or so. The usual price is P35 with other sellers. My suki for eggs gives me the biggest eggs and I get double yolk pa sometimes
![]()
I'm not tisay and I don't think the sellers at Divisoria will smell me? :bwahaha: I remember the first time I went to LCM, I thought it would also be like 168 or 999 so I was wearing my usual worst outfit + torn up purse, nagulat ako mukhang Glorietta. I was so embarrassed![]()
^Hindi lang ako basta jologs. Cowboy na jologs ako. Walang arte arte hehehe.
Ako naman pag nakakakwentuhan ko sa flight yung mga workers sa Hong Kong, lagi akong sinasabing seaman.
May mga simple lang ang looks pero hindi mo aakalaing mayaman, at meron ding umasta na mayaman pero pag labas nakapila sa taxi, worse uunahan ka pa sa mga pila.
One thing for sure sa mga mall o hotel ay yung mga pino kumilos, simple ang damit. Pag minsan tutulungan ka pa lalo na pag may kasama kang bata. Help to take family pictures, they will smile at you, kind gestures...etc
Importante yung attitude, dun mo malalaman yung level ng isang tao.
May valued client si missis. Nanggigil nung pumunta ng branch. Ayaw daw sya palabasin ng guard ng condo nila. Hinahanapan sya ng gate pass :hysterical:
ang default na biktima dito ay ang mga tao with "darker skin color". kasama na ang mga kayumanggi... at lalo na kapag hindi ka pa ka-gwapuhan at kagandahan.
first hand experience ko. Im tall, dark and.. you guess it right, "nevermind". umuwi ako sa probinsya namin sa Norte, namili ako sa bayan at sumakay sa jeep. pauwi, jeep ulit. naka shorts lang ako, sleeper, at white T-shirt. habang naghihintay na mapuno ng pasahero, nagbabasa ako ng newspaper. pa-puno na ang jeep, kinalabit ako ng kunduktor at sabi sakin, sa taas nalang daw ako ng Jeep pupwesto at may nagmamadaling makauwi na isang pasahero. sa dinami dami ng pasahero ako pa pinili.... sabi ko nalang, parehas lang babayaran ko kung sa taas ako o dito sa loob. papuntahin mo yung nagmamadaling pasahero sa taas kung gusto niya... kinukulit pa rin ako keso babae daw... sabi ko ulit, e di umarkila sya ng jeep kung nagmamadali sya! kamot ulo si kundoktor!