Meron talaga tao na mata-pobre.
Meron din tao na puro flash, wala naman cash
Meron din tao na naka-shorts lang, sumasakay sa bus, yung suot na tsinelas magkaibang kulay pa, pero ang laman ng bulsa Php 300K. Pag dating sa banko, humaharap manager.
Meron din tao, pintas ng pintas sa kapwa tao nya, di nya alam siya ganun din. Hypocrite.

Nung ahente pa ako sa UMC, may bumili ng Patrol Safari. Yung dalang pera naka balot sa plastic, small bills and coins! Taga Malabon, may mga fishing boat. Yung pera may mga kaliskis pa ng isda. Nung natapos kami magbilang, may sobra pang 95K. Ginastos pa dun sa accesories ng Patrol nya. Cash lahat. Yung dala nilang pera 3 days na sales lang daw yun. Taxi lang sinakyan papunta, yung ibang ahente hindi pinansin dahil akala patay oras lang. Ayun.

Being mata-pobre, masamang ugali yan.