crab mentality at inggit - ito daw ang nagiging problema ng mga OFWs, hehe.

may nakuwento yung friend ko na nag-work dati sa japan. nung first time niya makapunta dun around 2004, kasama niya dad niya. Yung dad niya 30 years na ata nagtratrabaho dun then retired na. Bumalik lang sila sa japan para ma-check yung condition ng mga assets nila (apartments, sasakyan, investment) na naiwan nila para ma-liquidate na. may nakasalubong silang pinoy sa Ueno, binati nila yung pinoy. potsa, tiningnan daw sila mula ulo hanggang paa tapos inirapan sila?! tapos sinabi ba naman na "mga bagong salta...". eh medyo simple kasi mag-damit mga yun kaya siguro minaliit. naka-beachwalk na sandals pa ata yung dad niya nun eh, hehe. kumbaga low profile lang. Then parang pinagmalakian pa sila nung isa pang pinoy na hosto dun na kesyo may kotse na daw siya at sariling bahay, eh ang totoo nakikitira lang siya dun sa bahay ng haponesa na kinakasama niya. around a week later daw biglang bumait yung mga pinoy dahil ipinamalita ata nung mga pinoy na nag-rerent sa kanilang apartments na sila nga ang may-ari. natawa na lang daw yung dad niya, hehe.