
Originally Posted by
oliver1013
Ano ba meron sa mga gawang Aleman at laging pag made in Germany eh mahal pero matibay.. Mapa kotse man alam natin na pag Benz, BMW etc mahal tsaka matibay ang gawa. Kahit sa kusina pag kutsilyo o gamit pang kusina pag made in Germany matibay din daw. Ganun din sa mga tools. Pati sa gamit pang digmaan, napanood ko sa dicovery channel number 1 tank in the world yung Leopard tank nila, no 2 lang yung Abrams ng US. Noong WWII ganun din mga armas nila pinaka mahusay at technologically advanced. May nagsabi sakin iba daw ang halo nila o sistema sa pag halo ng bakal kaya ganun..Totoo ba yun? Bat hindi magaya ng ibang bansa yung ganon?