Quote Originally Posted by oliver1013 View Post
Ano ba meron sa mga gawang Aleman at laging pag made in Germany eh mahal pero matibay.. Mapa kotse man alam natin na pag Benz, BMW etc mahal tsaka matibay ang gawa. Kahit sa kusina pag kutsilyo o gamit pang kusina pag made in Germany matibay din daw. Ganun din sa mga tools. Pati sa gamit pang digmaan, napanood ko sa dicovery channel number 1 tank in the world yung Leopard tank nila, no 2 lang yung Abrams ng US. Noong WWII ganun din mga armas nila pinaka mahusay at technologically advanced. May nagsabi sakin iba daw ang halo nila o sistema sa pag halo ng bakal kaya ganun..Totoo ba yun? Bat hindi magaya ng ibang bansa yung ganon?
1.) Sa pagkakaalam ko, for some reason, the best ang German steel metallurgy. At least, yan yung experience ko sa mga makina namin.

2.) Parang Hapon sila pag dating sa pride in their work. Di ko sasabihin work ethic, kasi sa experience namin, mahilig sila to take long breaks (eg: 1-2 month summer break). pero pag nagtrabaho, grabe, tindi sila sa attention to detail. of course, meron din sablay, pero majority ng mga ka-deal namin, ok. Talagang quality ang habol.

I've been to a German works apprentice workshop, grabe, kawawa mga apprentice, pag nagkamali, talagang binabatukan. Karamihan sa kanila, talagang nahihiya pag binabatukan, double-time sila sa trabaho. Pag may nag-quit, ok lang. Tingin ng mga kasama nyang apprentice sa kanya, loser.

3.) Di po Number 1 tank ang King Tiger/Leopard. I think 4 or 5 lang dahil sa mahirap i-manufacture. Pero, individually taken, sya yung best tank of WW2. Number 1 tank sa Discovery list yung Russian T-34.