We make it a point na hindi paluin yung mga bata..... timeout lang. Kaya ngayon mas ayaw nya ang timeout kesa palo. Ewan ko ba, trinato ko lang parang barkada yung anak ko (isang 5 yrs old at isang 4 months old). Hindi ko nga alam kung bakit malambing yung anak ko samantalang wala akong kalambing-lambing sa katawan ko. Responsible at emotional na rin sya at her early stage. Mas best friends nya pa yung mga teachers nya kesa mga batang kasing edad nya. Siguro dahil maaga syang nai-day care :mrgreen: :mrgreen: :mrgreen: Basta lagi lang namin syang ipinapasyal/iginagala tuwing weekends at binabasahan ng libro tuwing gabi. Sarap lang talaga habang bata pa yung mga anak mo..... katakot naman kapag nagdalaga at nagbinata na.