New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 4 FirstFirst 1234
Results 31 to 39 of 39
  1. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #31
    jesi, nangilabot ako dun, that was so sweet of her! :wink:

    a child's thought is really great, so innocent n so amazing. :wink:

  2. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    719
    #32
    Quote Originally Posted by ryan_pogi
    in case you want to make "palo", never out of anger.
    explain the reasons.
    after the "palo", i always hug them and tell them how much we love them.
    kahit na kakalbo na ko sa kakulitan nila.
    2 kids, both boys (a 3.2 & 1.7 yrs old)

    btw, guys.
    this is a wonderful thread.
    exchanging notes.
    thanx.

    peace.:D
    ako naman ganito, pag napalo ko anak ko nuong maliliit (4yrs to 6yrs old)
    kahit hindi talaga ako galit, i acted na galit ako and never na aamuin ko sila after na paluin. may usapan na kaming mag asawa na kapag ako ang pumalo, asawa ko ang lalapit sa anak ko. ipapaliwanag nya kung bakit sya pinalo ang then tuturuan nyang umamin ng kasalanan yung anak ko at mag sorry sa akin para hindi na ako galit. so, pag hingi sa akin ng sorry ng anak ko, hindi agad kami bati, ipapaliwanag ko pa uli sa kanya ang dahilan kung bakit ko sya napalo. ang dulo ng drama ko ay yung tanong na naintindihan mo ba yung sinabi ko? wag mo ng uulitin yung ginawa mo...kapag sumagot ng upo yung anak ko saka ko sya yayakapin hahalikan at mag lalaro na kami. kaya bihirang maulit yung mga gawa nilang mali sa ganun sistima ko. yung ibang bata kasi kaya paulit-ulit ng kakulitan (ex, nanakit ng kapwa bata) eh parang hindi tama ang pagpapaunawa sa murang isipin nila ng desiplinang gusto nating gawin sa kanila.

    kapag ikaw kasi ang pumalo at ikaw din ang aamo baka iba ang maging dating noun sa bata.

  3. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    719
    #33
    Quote Originally Posted by Macky
    happiman,
    Dami kasi akong katrabaho na namomroblema sa teenagers nilang mga anak (lalo na sa babae). Yung iba 9 years old pa lang may BF na. Yung iba 11 pa lang nanlalaki na.... ang masama, yung isa 13 years old pa lang may panganay na.... buti pa dyan sa atin may takot ang mga bata.... dito nakakatakot ang mga bata bunga na rin marahil sa dami ng mga paki-alamero pagdating sa pagpapalaki ng bata. Pasalamat na lang ako at "the best" si misis pagdating sa bata 8)
    malaki talaga ang papel ng ina sa pag desiplina ng mga anak.
    mahirap talaga dyan sa inyo, kasi pwde kang ireport sa pulis ng kapitbahay mo kapag nakita nila o nadinig na pinapalo mo anak mo. ang style naman ng mga pinsan ko dyan sa state eh sa loob sila ng toilet nag papaluan (for discipline purposes syempre) para hindi madinig ng mga kapit bahay.

    mahirap kasing mag disiplina sa mga anak kung madaming nakikitang hindi maganda sa paligid. ang dapat mong pag aralan,lalo na kung babae ang anak mo, ay kung anong trato o disiplina ang gagawin mo sa kanya pag dating dun sa adolescence period. kung ako siguro may anak na babae dyan sa state ay talagang i'll see to it na talagang madami kaming quality time together. i will even ask my wife to know personally who are her friends. kapag medyo may malanding kaibigan, kailangan habang nasa adoloscence period pa lang paiwasin na sa mga ganun barkada. paliwanagan na kung bakit ayaw nyo syang pabarkadahin duon. sa experienced ko kasi sa mga anak ko, kung ano way nila nuong teenager pa sila ay halos ganun na din sila ng mag silaki. yung friends nila ng high school ay yun pa din ang barkada nila kahit na nasa college na sila.
    Just always hope for the best for your child. :D

  4. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    719
    #34
    Quote Originally Posted by jesi
    And for my kids, I try to be patient pero I do spank them whenever they go over the line. But I always tell them the reason why I did so. And I always make it a point that I keep my promises. And so far I haven't broken any. If they ask me and I know I could not give or do, I always just tell them I'll try. Ang mga bata, for every ten na you did good for them, they'll probably remember a couple. But they will remember every single broken promise or spanking you gave them...
    you have a good point regarding no broken promises to your child.
    in my case i stopped spanking my children when they reached the age of 7. puro pag mamahal at diplomacy na ang ginamit ko sa kanila. at the age of seven ay pwede ng mag rebelde ang anak mo kapag sinaktan mo at siguradong hindi na talaga nila makakalimutan ang mga palong aabutin nila.

  5. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    37
    #35
    Quote Originally Posted by kiper
    saintluci,
    astig ung anak mo ha.. hehe..
    boss kipper,

    konting OT lang, oo medyo malupit anak ko... nauna mga motor (at computer) skills niya sa language skills. Ang pinagkakaabalahan niya ngayon Mech Warrior, Hyper Bowling at Star Wraith. Tapos na siya sa Counter strike at Jano (Diablo)... hehehe... One drawback lang, SOBRANG LIKOT!!! wala pang nakakita sa kanya na nagsabing ang tahimik niya... Just imagine, nasira na niya one time ang power supply ng PC ko... How in the hell did he do that? Pero ok lang... diyan natututo ang bata... sa paglilikot... I actually see myself in him when I was young... Nasira ko rin nung maliit ako ang TV, plantsa, amplifier, tape deck, and many other electronic gadgets...

    Di naman ako nagisisi na natuto siyang mag-explore (at magsira) at ng mga games... meron pa naman siyang mga educational like Reader Rabbit, Dr Suess etc... Between 1-1.5 years alam na niya numbers at alphabets... dahil sa computer... though most of the times, traditional learning din kami like reading...

    Kaya sa mga magulang dito, here are my comments

    1. Let the child explore on his own. Pagnasaktan, let him feel it that he may learn on his own how painfull it is. Although prevent him from things like falling the stairs, kuryente etc...
    2. Ang mga bagay na nasisira eh bagay lang yan na maaring palitan. Pero ang intellectual growth ng anak mo by exploring (and sometimes damaging things) is priceless.
    3. I grew up in a school where preventive system is implemented (Hello sa mga Bosconians diyan). I think this system is applicable to very serious things like drugs, crime and other heinous crime. But I don't think is is applicable to basic exploration attitudes of children and sometimes to us adults. Sabi nga ng iba, "let the children play."

    Let me give you another real life example... I have a half-brother na 1.5 years lang tanda sa anak ko. Since yung tatay namin at madrasta ko eh matatanda na, todo higpit sila dun sa half brother ko, from walking ("MADAPA KA DIYAN") to any simple thing.... Pag uwi nila dito, nagmukhang aanga-anga nung i-compare sa assertiveness ng anak ko...

  6. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #36
    Sa amin, nakatulong din na lumaki kami sa hirap. Ang pangaral lang ng tatay at nanay ko sa amin, kung ayaw ninyo ng ganitong buhay, mag aral kayo. Tingnan nyo si tita___ nakapag tapos, kaya maayos ang buhay nila. Kaya naman kahit na hirap talaga kami e pinilit namin mag tapos. Well, nabiyayaan din naman kami ng konting utak kaya naka ahon din thru scholarships. Nung nakatapos ako, bilang panganay, pinagtapos ko naman yung dalawang sumunod sa sakin bago kami nag plan magka anak.

    Sa mga anak ko naman, yung 3 yo ko nakakatikim na ng palo, pagkatapos ko siya mapalo, tinatanong ko siya kung bakit siya napalo, kung naintindihan niya, kapag mali ang pagka intindi niya ineexplain ko sa kanya. Most of the time naman e alam niya kung san sya nagkamali.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #37
    My kid is still young (1.5yo) pag gumagawa sya ng "bad" stuff we usually let him know right away that what he did was bad.

    We make sure that we dont tell him that he is the bad subject but more on what he did.

    We don't wanna pressure him too much right now coz he's still too young... But so far nakikinig naman sya, di lang nya matandaan after a few hours hehe.

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #38
    About raising great kids DAW

    http://parentcenter.babycenter.com/g...20050725:0:0:0

    Pero I think wala namang foolproof way on raising great kids, kasi depende lahat sa reaction ng bata. Different strokes for different folks(tama ba yun?).

  9. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #39
    sa kid namin pep talk muna, then punishment. effective pa din ang face the wall sa kid namin.
    ang hirap mag discipline lalo pag only kid. mixed emotions, kasi nga nag-iisa lang sila. so lamang ang love.
    i remember nung bata pa kami, tingin lang ng papa namin alam na namin kung ano gagawin. pag sumitsit na, takbo na sa bahay. kasi palo na pag nakadalawang sitsit na. hehe.

Page 4 of 4 FirstFirst 1234
how do u discipline ur kids?