Results 11 to 20 of 108
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2004
- Posts
- 167
September 19th, 2005 04:03 PM #11Originally Posted by M54 Powered
-
September 19th, 2005 05:14 PM #12
Originally Posted by creepy
-
September 19th, 2005 08:46 PM #13
Ako, bago umalis ng Pilipinas, inaway ko na mga kamaganak namin. Du'n sa mga nagsabing "Baka kapag nasa abroad ka na eh magbago ka na at hindi mo na kami maalala?", ang sagot ko "Huwag kayong magalala at hindi ako magbabago. Dito palang sa Pilipinas hindi ko naman kayo naaalala."
-
September 19th, 2005 09:09 PM #14
Nakakaawa mga nagpapakahirap mag trabaho...
May kakilala din akong ganun, sinabihan sya ng kapatid nya na pumili syang cellphone para may magamit sya, alam naman nya na bago palang kapatid nya sa abroad (less than a year) and late 20's nadin sya working... Aba, puros over 20K ang mga nasa choices.
Kakahiya... Mas lalo na mga matatanda na susulat/tatawag lang kung wala nang pera hehe ala Pugad Baboy.
Pag sinabi mo wala kang masyadong pera mapapadala sasabihin sayo maluho ka kasi sa mga binibili mo dyan hehehe
-
September 19th, 2005 09:30 PM #15
mula ng mauso yang abroad ika nga OFW,eh maraming mga kababayan natin ang nakipag sapalaran para guminhawa ang buhay at kahit papaano ay matugunan ang mga pangarap ng bawat pinoy na umahon sa kahirapan.masasabi natin na hindi lahat ng mga nag abroad eh sinuwerte,may minalas din-ayoko ng pahabain ang istorya,ang punto dito ay ang pag alis mo sa ating bayan ay isa lang ang layunin mo,magiging ipokrito naman ako kung sasabihin ko na hindi pera ang hanap ko.naalala ko tuloy noon una kung alis papuntang SAUDI,ang huling tanong sa akin noon nag iinterview na amerikano ay "WHY YOU ARE GOING TO SAUDI"??? ang akala niya ang isasagot ko ay "FOR WORK" pero ang sinagot ko ay "FOR MONEY, NOTHING LESS/NOTHING MORE".bigla nyang sinulatan ang papel ko ng approve for medical.
ngayon,ng makarating na ako sa saudi-first year ko ay a lot of adjustment,unang-una sa klima,sobrang init at talagang grabe,sa pag kain adjust karin,sa kultura iba rin,dami mong babaguhin,daming hirap mong dadanasin which your family dont know,kasi ayaw mo rin silang mag-alala sayo.
so,dumating ang vacation mo,siyempre daming pasalubong dahil daming kamag-anak.ok lang yung dahil first time na maka tikim ng katas ng middle east.eto na ang pag balik mo uli sa saudi ang mahirap,ubos ang lahat pinag trabaho-han mo at panigbagong ipon na naman.
ang siste,ang daming bilin sayo na hindi ka pa nakaka balik at may utang kana sa mga nagbibilin sayo.di mo mapag bigyan siguradong masama ka at madamot ka,higit sa lahat nag bago kana mula ng maka abroad ka,lahat nang mga salitang hindi mo naririnig sa kanila ay maririnig muna.
kaya yang abroad,yung wala kang ka away,magkakaroon ka! wala kang kagalit mag kakaroon ka,dati kayong close maghihiwalay kayo at malamang mag kasamaan ng loob...
ang problema kasi sa atin eh,hindi nila nararanasan kung paano kumita ng pera at kung paano mo pinag hihirapan ang lahat ng kinikita mo,wala silang paki alam kung ano ang buhay mo sa abroad,ang sa kanila ay yung mapag bigyan mo sila sa lahat ng mga kahilingan nila
ako katuwiran ko,priority ko muna ang family ko at kung may sobra doon ko sila aambunan,mahirap mamihasa sa kahihingi at utang walang bayaran...amen
-
September 19th, 2005 09:51 PM #16
ang pinakamabigat eh minsan hindi nakukuntento sa remittances yung mga linta. we have a good family friend whose parents, brother and sister decided to immigrate to the US and come live with her. aba, pagdating in-expect nila na kumpleto sila sa gamit, including cellphone, laptop and car!!
the brother and the sister work and supposedly they are supposed to pay part of the bills, pero umaangal yung friend ko na laging kulang tapos late pa. eh sa kanya nakapangalan yung bahay at mga kotse so siya ang yari kung late ang bayad.
-
September 19th, 2005 10:31 PM #17
when i was still there in Pinas, isa ako sa mga relatives na pumupunta sa bahay ng mga Tito's n Tita's when they're coming for vacation... di naman ako nanghihingi ng kahit ano, since kapatid ni mama or ni papa, we have to visit their place for a small get together. i was very observant at that time, ganda ng bahay, ganda ng "Marantz", ang lalaki ng alahas...sabi ko, grabe, sarap mag abroad... pero isa lang ang napansin ko, kahit hindi ka nanghihingi, alam mong nagdadamot na sila... ang tataas na ng ere...
lumaki ako sa hirap at alam ko ang buhay, grade school palang ako ng magsimulang magtrabaho... tinda ng pandesal sa madaling araw and then tinda naman ng dyaryo after. Sa gabi, linis naman ako ng jeep ng mga kapitbahay namin. Cguro, until late teens ko, baka sampung beses na kaming nakalipat ng bahay dahil sa hindi kami makabayad or mataas ang upa. My Dad is a mechanic and my Mom is a Secondary School Teacher. My Dad supported my mom's studies hanggang sa maka graduate ang mama ko. Dalawa na kaming magkapatid noon..So tinulungan ng Papa ko na marating ang gusto ng Mama ko kahit dalawa na kami.Ni minsan hindi humingi ng tulong ang mga magulang ko sa mga kapatid nilang OFW para maitaguyod ng maayos ang pamilya namin.
Yung experiences ko sa pagbisita sa mga relatives ko na OFW na parang mga Hudyo ang asal ang nagbigay sakin ng lakas ng loob para mangibang bayan. Kung kaya nila, kaya ko din... I strive hard, harder, para maihango ko ang pamilya ko sa kahirapan.
Ngayon, hindi na nangungupahan ang mga magulang ko, nanonood at nakikinig sila sa mala home theater naming setup. naibibigay ko na rin ang mga bagay na gusto nila.
Pero ni minsan, hindi ako nagbago ng ugali, ako pa rin ang taong kilala ng mga kapitbahay namin, ng mga kamag anak namin, ng kabarkada ko at ng kung sino sino pa. kung anong meron ako, meron kayo.
Di rin ako si Santa pero masarap magbigay at tumulong. nakakagaang ng pakiramdam. Di natin madadala sa hukay ang yaman natin, pero babaon sa isipan ninuman ang mga panahon na natulungan natin sila. Hindi man nila mabayaran o mapantayan ang naibigay mo sa kanila, alam na ni LORD yon...
Sikap at Tyaga, yan ang magandang pabaon sakin ng mga magulang ko... dagdagan mo ng determinasyon....wag mong kalimutan ang pinagdaanan mo..alam ko yan, galing ako dyan!
-
September 19th, 2005 10:41 PM #18
Originally Posted by bhongskie
-
-
September 19th, 2005 10:54 PM #20
Originally Posted by BlueBimmer
Ang mayaman ang problema nila paano mapanatili ang yaman nila kasi pag naghirap sila saan sila pupulutin.
kaya kadalasan ang mayaman sobra ang kuripot nila para mapanatili ang yaman nila.
I feel the same way. Not a fan.
2022 Mazda BT-50 (3rd Gen)