Results 51 to 60 of 108
-
September 28th, 2005 09:57 AM #51
Moneywhiz and M54,
yeah, libre yun. I can understand practicality pero it was not the case.
-
September 29th, 2005 03:00 PM #52
Originally Posted by maginoong_kalog
1st. cousin ng mom ko eh tinutulungan na namin since 80's pa, kinuha na nga nya yung 2 anak na babae as managers sa dental lab namin. nakapag abroad na ang isa and napunta ng japan, nakapag asawa ng hapon(di naman japayuki pok2) well, aside sa paghingi ng pang okasyon (bday,binyag,pasko,todoslos santos). sa 4 pa nyang kapatid, pagpapagamot sa kahit sinumang may sakit, pagpapatayo ng bahay, pagbibigay ng 50T. allowance a month...etc sa family nya...eto pinaka huli...
last JANUARY, tinawagan sya at sinabihan ng nanay nya na magpapakasal ang kapatid nyang lalake, so naawa naman at nakakahiya daw kung di maghahanda, ayun ngpadala ng 60T... eto na, umuwi sya last week, nagkukwentuhan kami, at nang-iimbita sya...ano okasyon sabi namin?
IKAKASAL (NANAMAN???!!) daw ang kapatid nya...demmit niloko pala sya!
ang tanamits ko na pinsan di naman totoong kinasal nong january! napapailing na lang sya, ang siste, kinukupit lang daw nya sa asawa nya ang pinapadala sa pinas...wag lang sana yakuza yan sabi ko!
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2004
- Posts
- 167
September 29th, 2005 03:27 PM #53Originally Posted by fakesaint
..tsk..tsk...sa hirap kumita ng pera sa abroad eh... minsan nga kulang na lang dumugo mata mo sa katatrabaho eh....
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2005
- Posts
- 9
September 29th, 2005 04:01 PM #54Nasa life style din mas maganda kung low profile ka tulad ko matagal na akong OFW ok ang salary ko pero hangang ngayon low profile parin. Dapat low profile kalang para hindi mag expect ang mga kamag anak. Sabi ko sa kanila maliit lang ang salary ko kahit na malaki kasi kapag sinabi mong malaki ang salary siguradong hihingi sila or naghihintay sila ng pera. 1st year ko sa abroad nakabili ako ng house & lot binili ko ng cash pero sabi ko sa mga kamag anak ko na installment lang. Pati nga kapit bahay ko late nalang nalaman na nasa abroad ako sabi ko sa kanila noon na nagtatrabaho ako sa mindanao or visaya. Kung pupunta ako sa Bank para mag deposit or mag withdraw ng pera simple lang ang suot ko naka tsinelas lang para hindi ka attractive sa mga mandurokot. kung magbabasyon ako sa phil. pagpauwi ako naka simple polo shirt & jeans lang. Kapag nasa NAIA airport ako kapag may humiingi tip na pera ang mga airport staff,guard etc palagi kong sinasabi na fake ako sa trabaho hindi ako binibigyan ng salary or natangal na ako sa trabaho simple technique lang ang mga tips ko bakit ka magmamayabang ikaw din ang kawawa. Ang daming OFW na mayayabang kahit na maillit lang ang salary nila may mga utang pa makapag pasikat lang yon kapag nawalan ng trabaho yon tambay sa phil. na walang pera.
-
August 20th, 2006 03:16 PM #55
Samin meron akong single na tita (kasal na ngayon), maganda ang trabaho dito, at single na tito na bigtime sa abroad, pero hindi namin hinihingian. Kung tutuusin may-kaya naman kami, but generally proud ang mga parents sa kamag-anakan namin.
Yung mga spokening dollar samin ganyan, pero hindi damit. CDs and DVDs lang naman (legit or otherwise), at libro.
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Jun 2006
- Posts
- 1,046
August 20th, 2006 03:35 PM #56very accurate yung article. mayroon kaming family friend. registered nurse yung babae. may apat yata o anim na kapatid. nag migrate silang mag asawa sa new york. she found a nice job and was making a lot of money. the guy found a so so job (engineer sya dati sa pilipinas). yung mga kapatid ng babae na mga batugan at may nga sarili na ring pamilya ay umaasa sa babeng RN sa new york. every month nagpapadala sya ng sustento. ng USA tour pa nga yung isa nyang kapatid para lang makita ang america. yung babaeng nasa new york din ang gumasto. yan ang dahilan ng palaging pag-aaway nilang mag asawa. ang tanong ng asawa nya, "bakit di sila maghanap ng trabaho at para di sila umaasa sa iyo?" ang katwiran ng babae, "eh sanay na silang di nagtra-trabaho eh." ang resulta hiwalay na silang mag asawa ngayon. katatapos lang mafinalize yung divorce papers nila.
ang pananaw ko sa buhay ay willing akong tumulong sa isang taong ginagawa ang lahat para lang maging mabuti ang buhay, pero pag ang isang tao ay walang ginagawa tapos hihingi ng tulong, di pwede sa akin yan.
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Jun 2006
- Posts
- 1,046
August 20th, 2006 03:46 PM #57ako nagpapabili minsan ng mga damit galing sa pilipinas, mga libro na wala dito, at mga pagkain na wala din dito. yung mga damit kasi magaganda pang opisina. yung bang pag binili mo dito sa america ay magiging $100 per shirt. tapos mga pagkain gaya ng tupig, bibingka, suman, donut na may mocca filling (ala dito. hinanap ko na sa hawaii, sa nevada at sa southern california). yung mga libro ni Bob Ong wala din dito. minsan binabayaran ko, minsan di nila tinatanggap. regalo daw sa akin. yan ang mga gusto ko sa mga kamag anak ko. di sila yung tipong humihingi. kusang loob mo silang bibigyan. mas ganado pa nga akong magbigay sa mga ganyang tao eh.
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Jun 2006
- Posts
- 1,046
August 20th, 2006 04:07 PM #58i disagree. siguro sa pilipinas lang applicable yang ganyang mentality. ang mayaman, yumaman dahil alam kung paano gastosin ta patakbuhin ang pera nila. hindi sila kuripot kundi "frugal/thrifty" sila. may mga tao naman na medyo alanganin na ang pera, pero kung ano-ano pa ang binibili.
ako minsan may "pagkakuripot" (pero di ako mayaman), pero pagdating sa pagkain, di ako madamot sa iba at lalong lalo na sa sarili ko. meron kasi akong mga kamag anak dito sa america na mayayaman, pero pati pagkain pinagdadamutan ang sarili nila. mas gugustuhin pa nila na kainin yung fast food na junk food kaysa sa kumain ng totoong pagkain.
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Jun 2006
- Posts
- 1,046
August 20th, 2006 04:12 PM #59tama ka dian kapatid. yan ang mga tinatawag na smart buyers. kasi naalala ko noong nandian pa ako sa pilipinas noong bata pa ako, pagtatawan ka ng mga tao pag ang binili mo ay mas mura kaysa sa binili ng iba. sasabihin ay pobre ka. yan ang masamang ugali ng mga ibang pinoy noon dian pa ako nakatira.
-
August 20th, 2006 05:33 PM #60
n2knee: Lagi naman akong nasasabihan ng "may pera ka naman eh, kuripot ka lang". Sinasagot ko eh "kaya ako nagkapera dahil kuripot ako at nakaipon. Thanks for the compliment."
Bob Ong rin pala pinagtitripan niyo!
I feel the same way. Not a fan.
2022 Mazda BT-50 (3rd Gen)