ang kuwento ni Robert ...

Isa sa pangarap ng mga gustong maging abugado ay ang makapasok sa isang sikat pamantasan, partikular sa kanilang College of Law.
Noong 2003, excited at the same time, kabado si Robert sa kanyang admission kung saan isang panel o grupo ng mga tao sa College of Law ng nasabing pamantasan ang mag-i-interview, inisyal na nitong napasa ang written examination, sunod na ay ang panel.

Ang naging resulta ng interviews ay kabiguan, ilan sa mga tanong ng mga ito ay masyado ng personal, tungkol sa kanyang ina ang mga tanong, hindi nito alam ang isasagot sa ginawang panghuhusga na hindi na sakop ng pagpasok n'ya sa College of Law.

Ang ilan at eksaktong tanong ng mga ito kay Robert ay: "Ano ang masasabi mo sa pagkabaliw ng nanay mo?", "Magkano ang tinataya ng tatay mo tuwing nagsasabong s'ya?", pagkatapos ng deleberasyon ng resulta, bigong nakapasok ang binata sa pamantasan na inilarawan bilang pamumulitika o sinadyang hindi s'ya tanggapin.

Nakapasa naman si Robert sa isa ring eksklosibong pamantasan, pero dinamdam nito ang nakaraang oral interview dahilan para makakuha ng mababang marka sa constitutional Law kung saan eksperto ang kanyang abugadong ina. Naramdaman ng ina na malungkot ito at walang tigil ang pagsabi nang "wala sa taas ng marka o anumang resulta ng pagsusulit ang tunay na tagumpay, dahil ang tunay na laban ay pagkatapos mo sa pag-aabugasya at ang makapag lingkod ka sa bayan ang mas importante, basta pasado, okey sa akin 'yun anak!"
Isang umaga, kinakatok ng ina ang anak para kumain, kadalasan kasi mapag-isa ang binatao introvert, kundi nagbabasa ng mga libro ay nagkukulong ito sa kwarto maghapon, pero sa muli n'yang pagtawag sa anak, hindi na ito sumasagot na parang hindi normal, hanggang sa nag-alala na ito. Pagbukas n'ya ng pinto ng kwarto ni Robert, tumambad sa kanya ang katawan ng anak na nakahandusay sa sahig at duguan.

Nagbaril si Robert sa ulo, gamit ang baril ng ama, isinugod ito sa hospital ngunit huli na ang lahat.

Maraming anak ang nanghahangad na pumantay sa talino ng kanilang mga magulang, o ang kahalagahan na mas maging proud ang mga magulang sa kanyang anak, ngunit ang depression ay may mas malalim na dahilan, na hindi nauunawaan ng normal na tao, madalas mahirap mabatid kung bakit nagagawang kitlin nila ang kanilang sariling buhay dahil sa depresyon.
Pagkatapos ng pangyayaring ito, tinanggal na ang oral Interviews/Panel Interviews sa nasabing pamantasan at pinaalis rin sa posisyon ang mga ito. Nagsimulang pag-usapan ang depression at anxiety sa bansa, nagsimula ring talakayin ito sa mga programa sa telebisyon, lumalabas na napakarami pa lang tao sa Pilipinas ang nagsasabing okey sila pero deep inside, ay hindi.
Kaya sa tuwing may nakikita kang kakilala ka, kaibigan o kapamilya na tahimik o malalim ang iniisip, kausapin mo sila, pakinggan mo sila at iparamdam na hindi sila nag-iisa at patuloy silang suportahan sa pamamagitan ng pagmamalasakit, pagpapaintindi pakikinig na kahit feeling nila ay hindi sila enough o sapat.

At sa mga taong nakakaranas ng depresyon, buksan mo ang iyong pinto para sa lahat, pilitin mong bumangon at buksan ang pinto ng liwanag, napakarami pang pangarap na maaabot mo pa, 'wag ka lang susuko, magpakonsulta ka o magpasama ka sa Doktor, at lagi mong tatandaan na napakaraming nagmamahal sa'yo.

robert.jpg

Alam natin kung ano itong salaring paaralan na tinutukoy dito

source: Error