Ako po ay galing sa isang state university na mahilig magreklamo at magsunog nang silya ( nagrebelde po kasi ako sa aking AMA na hindi nya ako kailangan pag aralin pa at ako na magtustos sa aking pag aaral - Php 300 lang po kasi ang tuition fee ko noon ) Ano po ang dahilan nila para magreklamo ay para walang pasok dahil pagkasama sila sa rally (LFS) exempted po sila sa klase.
Dahil po school bukol ang tema nang aming klase ay halos wala po akong natutunan dahil laging late pumasok ang mga professor at kadalasan iiwanan ka lang nang assignment. Hindi po kagandahan ang aking mga grades noong nag-aaral ako dahil po hindi din naman ako pressure nang aking INA na mataas ang grades ang kanya po ay makapasa OK NA ang katwiran yun lang po ang kaya nang utak ko.
Noong naghahanap po ako nang trabaho, halos araw araw ako ay umaalis upang mag-apply. Hindi na po ako namimili nang trabaho kahit po maging agent nang FOREX noon ay pinasok ko. Kadahilan ayaw po akong tanggapin kasi daw po sa pinanggalingan ko school at sa kakarampot ko na nalalaman. Lalong lalo na po hindi nadevelop ang aking conversation skills. Baluktot ang aking english mahihiya po ang tiga bundok.
Pinasok ko po ang isang trabaho na ayaw na ayaw nang aking AMA dahil isa po syang Vice President nang isang kompanya dahil daw po nakakahiya. Ayaw ko naman pong patulong sa kanila na makahanap ako nang trabaho kaya po nagsikap ako makahanap kahit isang STOREKEEPER po in short BODEGERO. Doon po ako nagsimula isang kargador. Isang araw napag isipan ko kausapin ang aking INA na akoy nahihirapan na pero ang aking hiling ay pag aralin akong muli at hindi para sa kompanya nang aking pamilya.
Nagmaster po ako sa ginto at doon ko po natutunan ang tamang pagsusumikap. Hindi po totoo ang HARD WORK ang tama po pala ay WORK SMART. Hanggang ngayon po ay patuloy kong dinadagdagan ang aking kaalamanan at koneksyon... Pumasok po ulit ako sa school at kumuha nang kurso na makakakapagbigay sa akin nang kaalamanan at koneksyon doon ko po nakuha yun sa Agila.
Dahil po sa aking pagsusumikap nakamit ko na po ang aking gusto na magtsikot nang walang sisita sa akin.
Last edited by CLAVEL3699; June 2nd, 2014 at 11:53 AM.