Quote Originally Posted by yebo View Post
TS, huwag ka na lang magaral. di ka naman pala maha-hire kahit sa mapua ka mag-enroll hahahaha!

Ipunin mo na lang yang ibibigay na tuition at allowance mo start ka na lang ng talyer, tutal mahilig ka naman sa kotse. 1st year tuition bili ka tools. 2nd year bili ka ng car lift. 3rd year bili ka ng dyno. 4th year, tangna huwag ka na humingi baka mas malaki pa kita mo sa tatay mo!
Di ko alam kung joke ito paps, pero I always believe that fortune favors the brave... Kung agresibo ka sa negosyo sigurado aasenso ka basta alam mo ang pinapasok mo.

Meron dito sa amin, nag umpisa sa vulcanizing sa tabi tabi, inabot ng swerte, ngayun ilang branch na ang auto shop and accessories nya. Kasi kapag nakita ng mga tao na mapera na madiskarte ka at may potential na umasenso at mapagkakatiwalaan rin, sila mismo mag offer sayo na pahiramin ka capital.