Sa toyota casa per my observation parang ung impact wrench lang ang gamit nila to tighten the nuts, di ko pa nakita na gumamit sila ng torque wrench pag maghihigpit ng gulong.
But one of the local auto repair shops here in our area gumagamit talaga ng torque wrench sa paghigpit ng turnilyo sa gulong. Basta nagbaklas sila ng kahit isang gulong lang for a particular job eh luluwagan nila lahat ng nuts for all wheels at gagamitan ng torque wrench para higpitan. Para daw pare-parehas ang higpit. Sabi kasi ng may-ari ng shop kahit papaano may effect sa "balance" ng wheels at ng sasakyan yung di pare-parehas na higpit ng gulong. At para daw maiwasan yung damage sa studs. Di ko lang natanong kung anong measurement ng torque ang gamit nya.
Kaya sa mga vulcanizing shops pag nagpa-rotate ako ng gulong, advise ko agad sa kanila alalay sa higpit. At di ako pumapayag na gagamitan pa nila ng tubong mahaba pag pang final na higpit na.






Reply With Quote
