New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 40
  1. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    19
    #1
    ano kaya pwedeng reason kapag ang hina ng hatak, lalo na kapag naka aircon, kapag inclined lang ng konti yung daan hirap na, kahit naka promera minsan umaalog. pansin ko din kapag nag change gear ako lumalagotok, matigas.

    help naman mga bro, pina check ko na sa honda casa sabi palitan daw ng clutch disc? kaso parang tinataga ako kasi dami pa sinasabi.

    TIA!

  2. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #2
    you need to change your clutch disk bro kung fully engaged na ang clutch mo tapos malakas ang rev mo pero hindi pa rin humahatak. Sliding na yun, so kailangan na talagang palitan.

    pero kung hindi ganun, distributor malamang ang problem mo. pero dahil sinabi mo na lalo kapag nag-aircon ka, lalong humihina ang hatak diba? Distributor yan malamang.

  3. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    19
    #3
    Thanks sa reply.

    Nung pinaayos ko sa casa sabi ayos naman daw yung timing (timing pulleys?), yung distributor daw hindi kaya inayos nila, tapos yung sa air filter inoverhaul nila, kaso mahina pa din walang pinagbago. Nataga nga ako dun kasi kampante ako kasi taga Honda mismo sila.

    Yung makina nag rerev naman siya, galit na yung makina kaso mabagal pa din hatak. Hirap pa naman kasi sira yung RPM reading ko..

  4. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #4
    Quote Originally Posted by potskie View Post
    Thanks sa reply.

    Nung pinaayos ko sa casa sabi ayos naman daw yung timing (timing pulleys?), yung distributor daw hindi kaya inayos nila, tapos yung sa air filter inoverhaul nila, kaso mahina pa din walang pinagbago. Nataga nga ako dun kasi kampante ako kasi taga Honda mismo sila.

    Yung makina nag rerev naman siya, galit na yung makina kaso mabagal pa din hatak. Hirap pa naman kasi sira yung RPM reading ko..
    pero bro pag nakabitaw ka sa clutch tapos malakas ang rev mo, hindi pa rin ba gaanong humahatak? sliding clutch yun pag ganun sigurado. So at least ok na dapat distributor mo.

  5. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    19
    #5
    Kapag binatawan ko clutch medyo humahatak naman pero parang kulang eh lalo na kapag inclined, kapag naka segunda ako hindi umaangat sa 20 kph kahit nakadiin na tapak sa gas kaya nag pprimera ako.

    Pansin ko din kapag nag automatic yung aircon diba magtitick na tunog yun, biglang bibilis takbo ng makina kakadyot ng konti.

    Mga magkano kaya papalit ng clutch disc?

  6. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #6
    sa alto ko kumakadyot talaga pag nag-automatic ang aircon pero ang pagkakaiba natin, 800cc naman kasi yun kaya normal.

    sa civic mo tingin ko hindi, tapos sinabi mong kahit madiin na ang apak mo sa gas hirap pa rin sa inclined. Pero bro sa inclined, I think kaya ng civic ang segunda sa pataas basta nasa 20km/h na ang takbo mo.

    Sa sliding clutch, ikaw lang talaga ang makakapansin niyan pero the fact na nakakatakbo ka ng pataas, ok pa rin ang clutch mo. Pag ikaw eh nahihirapan sa hanging/inclined roads yun bang nagtitimpla ka ng gas at clutch tapos kailangan mo ng malakas na rev para humatak ang sasakyan, malamang clutch disk na talaga yan.

  7. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    19
    #7
    1.5 nga makina ko kaso parang 600cc lang pakiramdam, eh dalawa lang kami nakasakay, parang kinakaladkad nga yung sasakyan eh hehe. sa SCTEX nga naoovertakan pa ako ng alto, baka ikaw yun ah.

    Kaya takot din ako magovertake kasi baka kapusin ako, yari..

  8. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #8
    ahh hehehe, malamang ka-club ko sa suzuki yun hehe.

    anyway, kung ako kasi ang tatanungin mo, hindi ako bilib sa casa, eh mamaya wala naman palang ginawa sa distributor mo, (anong malay natin except lang kung nakita mong pinalitan).

    basta ako bro, distributor or clutch disk lang. (yung air filter na sinabi sau ng casa, eh ginawa na rin nila para makapag-gain ka ng konting hp hehe).

    pero mahirap nga yan, kung o-overtake ka natatakot kang kapusin tuloy, sa Alto ko hindi ko masyadong ginagawa ang overtaking, pero sa advie ko, alam ko kasi ang power nito kaya hinahataw ko talaga pag overtake.

    anyway, ipatingin mo ulit sa ibang lugar yung civic mo. or baka sinasabi nang bumili ka na ng bagong Lancer or Altis hehe joke.

  9. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    19
    #9
    Kung may pambili lang matagal na ako bumili hehehe. Bili ako ng 1.8 na civic para talagang malakas hatak. hehe

    Ano pa ba ibang signs ng sliding clutch? kasi kapag patay aircon ok naman hatak niya kaso medyo kapos lang ng konti.

    Para san nga ba yung clutch? hehe nakakaapekto pa rin ba siya sa takbo kahit hindi ko na apak yung clutch?

  10. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #10
    Quote Originally Posted by potskie View Post
    Kung may pambili lang matagal na ako bumili hehehe. Bili ako ng 1.8 na civic para talagang malakas hatak. hehe

    Ano pa ba ibang signs ng sliding clutch? kasi kapag patay aircon ok naman hatak niya kaso medyo kapos lang ng konti.
    teka, kung ang sabi mo kung patay ang aircon ok naman ang hatak, yung distributor mo pa rin yan. walang kinalaman na ang sliding clutch pag ganun.

    anyway, sliding clutch ka pag ganito.

    1) fully released ang clutch tapos malakas na ang rev mo pero hindi nag-aaccelerate mataas na ang rpm or galit na makina mo pero ganun pa rin.

Page 1 of 4 1234 LastLast
Hina ng hatak ng civic 96 ko