New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 11 to 20 of 40
  1. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #11
    pag test kung sliding clutch ka na, park ka engaged ang hand brake,
    then start ang makina na nakaneutral,tapak din sa brake para safe,
    then tapak sa clutch and pasok sa primera, then release bigla ang clutch.
    dapat biglang mamamatay ang makina ok pa ito, pag matagal mga 3 secs parang naghihigalo pa muna bago mamatay sliding clutch na ito.

  2. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    19
    #12
    Kapag patay kasi aircon medyo may hatak, bakit distributor yung problem? may papel ba siya kapag naka on yung aircon?


    sana distributor nga lang.


    Madali lang ba iset yun? May ginagamit ba na tool pang set nun? bakit kaya sa honda casa eh hindi nila na set ng maayos? kung madali lang naman baka kasi pwede ko na lang ipaadjust sa mekaniko sa labas.

    Bro ano naman kaya problema kapag magsshift ako ng gear eh matigas yung kambyo? lumalagutok? clutch disc din ba yun?

  3. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #13
    Quote Originally Posted by potskie View Post
    Kapag patay kasi aircon medyo may hatak, sana distributor nga lang.

    Madali lang ba iset yun? May ginagamit ba na tool pang set nun? bakit kaya sa honda casa eh hindi nila na set ng maayos? kung madali lang naman baka kasi pwede ko na lang ipaadjust sa mekaniko sa labas.

    Bro ano naman kaya problema kapag magsshift ako ng gear eh matigas yung kambyo? lumalagutok? clutch disc din ba yun?
    yung lumalagutok, hindi sa clutch disk yun I "suppose". Hindi rin ako sure eh. Sana may makatulong sau dito. Kumbaga pag kumambyo ka eh parang may bowling ball na gumulong sa kotse mo hehehe.

  4. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #14
    isa yan sa indication na upod na ang clutch mahirap ipasok sa kambiyo lalo na sa primera.

  5. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    19
    #15
    Quote Originally Posted by raine View Post
    pag test kung sliding clutch ka na, park ka engaged ang hand brake,
    then start ang makina na nakaneutral,tapak din sa brake para safe,
    then tapak sa clutch and pasok sa primera, then release bigla ang clutch.
    dapat biglang mamamatay ang makina ok pa ito, pag matagal mga 3 secs parang naghihigalo pa muna bago mamatay sliding clutch na ito.


    Ganun pala... na try ko na yan accidentally. nakahinto ako, na bitawan ko yung clutch habang naka primera, ayun kumadyot ng malakas tapos namatay kagad yung makina.

    ibig sabihin nun hindi pa sliding clutch ko?

  6. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #16
    Quote Originally Posted by raine View Post
    pag test kung sliding clutch ka na, park ka engaged ang hand brake,
    then start ang makina na nakaneutral,tapak din sa brake para safe,
    then tapak sa clutch and pasok sa primera, then release bigla ang clutch.
    dapat biglang mamamatay ang makina ok pa ito, pag matagal mga 3 secs parang naghihigalo pa muna bago mamatay sliding clutch na ito.
    oo nga naman, simpleng-simple. release your clutch kaagad, pag kumadyot ng malakas tapos namatayan, hindi ka pa sliding clutch.

    tama, pag medyo naghingalo pa ng kaunti bago mamatay, ayun, sliding clutch na yan.

    Kahit hindi na naka-handbrake, you can do this on an open road na walang tao at kotse syempre.

  7. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #17
    Quote Originally Posted by potskie View Post
    ano kaya pwedeng reason kapag ang hina ng hatak, lalo na kapag naka aircon, kapag inclined lang ng konti yung daan hirap na, kahit naka promera minsan umaalog. pansin ko din kapag nag change gear ako lumalagotok, matigas.

    help naman mga bro, pina check ko na sa honda casa sabi palitan daw ng clutch disc? kaso parang tinataga ako kasi dami pa sinasabi.

    TIA!
    pwede rin pa check mo ang aircon mo, pagnagon ka ba, tumataas ang rpm ng makina mga 900rpm? or ang compressor mo baka sira na ang bearing.

  8. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    19
    #18
    Quote Originally Posted by p_borj View Post
    yung lumalagutok, hindi sa clutch disk yun I "suppose". Hindi rin ako sure eh. Sana may makatulong sau dito. Kumbaga pag kumambyo ka eh parang may bowling ball na gumulong sa kotse mo hehehe.
    hehehe hindi pa naman ganun kalakas yung tunog, parang buto na lumalagutok pa lang naman.

    Ulit ko lang po yung tanong ko, yung distributor ba naapektuhan kapag naka on yung Aircon?

  9. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    19
    #19
    Quote Originally Posted by raine View Post
    pwede rin pa check mo ang aircon mo, pagnagon ka ba, tumataas ang rpm ng makina mga 900rpm? or ang compressor mo baka sira na ang bearing.

    Normal naman yng idle kapag inoOn ko yng AC, humihina yung hatak lumalambot yung gas pedal, kahit galit na makina mahina pa din hatak..

    problem lang ng AC ko eh kapag mataas sikat ng araw ayaw lumamig kahit todo na, may kinalaman kaya yun?

  10. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #20
    dapat kasi pag walang a/c mga 650rpm at pag on a/c mga 950rpm

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Hina ng hatak ng civic 96 ko