tinitingnan ko nang maigi yung problem ko. ito po yung napansin ko... medyo kulang ang pressure ng gasolina papasok sa engine sa tingin ko sira ang fuel pressure regulator parang palaging bukas. kasi pagchange gear ko bababa ang rpm sa 500 at pag-accelerate medyo matagal makaangat. ito ang ginawa ko, tinanggal ko ang vacuum hose yung nakaattach sa FPR at ayon parang sakto na yung gasolina bigay ng injector. ngayon pagchange gear ko nasa mga 700 lang baba ng rpm at pag-accelerate ko ok na ang response ng engine.
ang FPR lang po ba ang problem nito o meron itong issue sa vacuum? btw, nacheck ko yung vacuum pagkatapos kung tanggalin ang hose sa FPR malakas naman po ang higop ng vacuum at idle.