open ko po ulit itong thread. hindi po totally nawala yung hesitation ng car ko. paminsan-minsan po babalik siya (may post po ako sa "aircon and temp talk"). bago ko lang po nalaman galing sa mekaniko ko na yung timing ko ay hindi default/standard/usual kasi hindi po siya tatama sa "marker" malayo po ang tamang setting ng timing ko sa marker. at sabi daw yung camshaft na nasa engine ay 16 lobes (racing cam "daw") at dapat 20 lobes kasi 3-stage vtec engine po kasi ito. kelangan ko po ba talaga magpalit ng camshaft? anong effect po sa FC ko sa pagpalit ng camshaft? ngayon 9km/li po ako.