Hello mga sir,
Im from tacloban wala pa akong unit, kukunin palang this coming weekend sa Honda Alabang. E-CVT model. May inquiry lang ako regarding sa rims.
ang stock rims base sa brochure is 15X5.5 with tire 175/65 R15.
1. balak ko palitan agad ang rims kasi maliit hehe. pwede kaya i-trade to sa tindahan? Ano mga shops sa manila ang ngbebenta ng original rims at nag aaccept ng trade in? if bawal mag advertise ng shop pa PM nalang po.
2. 16" ang target ko... ano mas ok na tire width 6, 6.5 or 7? may advantage or disadvantage po ba?
3. Ano maganda na tire specs ang pwede sa 16"? Wala ako knowledge sa + - km readings.
4. Any recommended brands/model of rims na available locally?
5. Ok ba ang imitation or should i stay away from it? delikado ba?
Salamat
