New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 42
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #1
    tutal napagusapan nadin yung tungkol sa mga utang sa thread ni kapitan. Siguro pagusapan nadin natin dito ang ibat ibang klase ng pangungutang na naranasan nating mga tsikoteers..

    ok umpisahan ko na.

    Story #1

    few days ago, lumapit samin yung mother ng kumpare ko, umiiyak, papatayin daw sya ng pinagkautangan nya pag di daw sya nakapagbayad within 24 hours... yung utang na yun, sa SHABU pala yun, at nagtutulak na pala sya ng droga dito sa lugar namin, kailngan nya ng 2k... kahit may pera ako during that time, di na ako nagpautang... kahit alam kong baka tutuhanin pa ng muslim na pinagkautangan nya ng droga yung banta sa kaniya.

    Hirap kasi eh, magpapautang ka, then malalaman mong sa transaction tungkol sa droga lang mapupunta ang pera mo, para na rin akong nangunsinti ng tao na ituloy nya yung mga maling gawain nila...

    Mahirap din magreport sa pulis, dahil dito sa lugar namin sa Taguig, di mo alam kung sino ang mapagkakatiwalaang pulis na hindi invloved sa drugs... dami pa naman drug pushers dito na minsan eh protektado pa ng pulis.

    Story #2
    ito naman, kumpare ko, inaanak ko yung anak nya, nanay ng kumpare ko yung babae sa story #1, ito dahil nga sa kumpare ko, naging takbuhan ako sa kahit anong problema dumarating sa kaniya, nung nadisgrasya yung anak, nagkasakit ang nanay, imbes na pautangin ko, inaaubutan ko na lang ng pera, dahil pag inisip kong utang alam kong imposible na din bayaran... dahil uso dito samin ang nakakalimot ng utang hehehe.

    ok lang sakin yun, kung nakakaluwag naman ok lang na tumulong, pero minsan naabuso din... itong kumpare kong ito, gumagamit din ng droga, ilang beses na din na inutangan ako ng P100 pesos pag nadadaanan ko sya sa kalsada, bigay naman ako ng bigay dahil kung ano ano ang dahilan... minsan nakatambay sya kasama yung ibang addict at isang drugpusher, akalain mong hiraman na naman ako ng P100, kailngan lang daw nya... eh sino ba namang gago magpapautang sa isang tao na ang kasama during that time eh mga addict at pusher, ibig sabihin ipanggagamit lang yung P100 ko, ipandadagdag sa bibilhin nilang droga...

    Haay buhay talaga, kaya simula nuon, natuto na akong tumanggi, pag nakatambay ako sa kalsada, kinukwento ko agad sa kanila na nagigipit ako dahil nagpapagawa ako ng bahay, para yung ibang magkakainteres na manghiram eh malaman na wala akong pera... na tutuo naman dahil medyo mabigat sa bulsa talaga magpagawa ng bahay.

    Nakakainis lang talaga minsan na naabuso ka sa mga taong mangungutang na walang balak magbayad, parang itinatae ko lang ang pera o pinupulot kung saan saan.

    Story #3
    kumpareng usapan pa din, may ilan pa akong kumpare although di naman mga addict, ilang beses na ding humiram ng pera sakin, wala pa kahit isa sa kanila nagatubiling magbayad sakin... ako naman, parang nahihiya akong maningil, baka isipin nila na gipit na nga sila eh naniningil pa ako . ayaw ko din masira mga pinagsamahan namin dahil mga kababata at kumpare ko sila, kaya naisip ko na wag na lang silang pautangin sa mga susunod or depende na lang kung talagang emergency. yung maliliit na pera na nahiram nila sakin, inisip ko na lang na parang tulong ko na lang sa kanila na walang halong sama ng loob sa part ko.... nagpapasalamat na lang ako na ako yung nasa sitwasyon na medyo nakakaluwag ng konte... kaysa yung ako yung laging nagigipit at nangungutang.

    Story #4
    Mahirap din magpautang sa mga kamaganak, direktang kamaganak or kamaganak ng asawa, dito minsan hindi ako makahindi dahil nga sa related sila samin. Kay ermat marami na ding nangutang na kamag-anak, karamihan di na din nabayaran... minsan may kamag-anak kami na nagkautang samin, halos sila pa masama ang loob nung sinisingil namin .


    Lessons I've learned.

    kung magpapautang, kung related sayo or kumpare/kumare/kapitbahay... magbigay na lang ng konting pera na pangtulong, kaysa magpahiram ng malaking pera at ikaw din ang mahihirapan sa huli maningil.

    sa larangan ng utang, marami ng nasirang relasyon ng magkakapamilya, pagkakaibigan or pagkakapitbahay.... kaya maganda din lalo na kung malaking pera ang usapan sanla man or utang, dapat ma kasulatan lagi or may abogado, para sa huli may panghahawakan... or mas the best... wag na lang magpautang.

  2. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    360
    #2
    Story

    Nang dahil sa internet na trace ako nung isang long lost college friend sa friendster.. after few emails I asked him about other college buddies and contact numbers.. ayun nung pinag tatawagan ko na sila, one friend John was very excited na nag usap ulit kami after 15 years... and my excitement vanish like flash in a pan, kasi in less than 60 seconds namin sa phone ehh uutang na sa akin ng 10T daw kasi gipit na gipit sya.. may kaso yata sya kaya malaki daw gastos nya sa atty. Sa isip ko di man lang nag painit muna ng kwentohan, nawalan tuloy ako ng gana makipag kita dahil ma ko consensya pa ako o pag tumangi ako baka mag sama-an pa kami ng loob after 15 years pag nag kita kami ulit. Hindi naman masama tumulong pero 10T paluin na ako ni kumander nyan, at alam ko naman di yun mababayaran..

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #3
    lessons i learned - di ko na uulitin yung istorya ha

    1. just don't do it. mahirap man tumanggi sa fwends or family, take a deep breath and say no. i have had to do it, and have lost at least 1 friend because of it, but nothing good will come of it. kung gipit ka, i will let you stay in my home, i will feed you, i will help you find a job....but i will not lend or give you a free handout.

    2. even more difficult than #1, don't borrow money from friends or family either. don't put them in the same tough position that you yourself do not want to be in. mas uunahin ko pang mangutang sa banko kesa sa family or friends.

  4. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    248
    #4
    OT: Pre kung kaya or pwede, lumipat ka na lang ng tirahan... mahirap din kasi na may mga kapitbahay ka na nagdodroga eh..

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #5
    From bicutan, baka lumipat na din kami ni wifey sa paranaque dun sa pinapagawa kong bahay, pro di pa sya tapos, pero baka di pa rin ako aalis dito sa bicutan, taguig titira pa din kami dito... kahit medyo magulo, nasanay na din ako sa lugar na ito... sa ingay, sa away, sa mga raid etc etc. laking kalye din kasi ako at nung kabataan ko isa din ako sa mga napariwarang tao sa lugar na ito....

    Yes, nasubukan ko lahat halos ng katarantaduhan dito, from street gambling, MJ, S, inuman sa kalye, rambol etc etc hehehe... pero nag-iba ako ng landas nung naisip kong kailngan kong tuparin ang mga pangarap ko at para maging proud sakin ang family ko. Naging magandang aral sakin yun, at nasabi ko na kahit nakalugmok ka sa droga or sa kasawiaan, may chance pa para magbago basta desidido ka lang.

    Ayaw kong lumayo sa lugar na ito coz maybe in the future baka may maitulong ako sa lugar na ito para magkaroon ng konting changes in my own little way.

    Dito pa din kasi nakatira parents ko, mga kapatid ko ,,, kaya mahirap iwanan ang lugar na ito...

    Quote Originally Posted by hyperthread View Post
    OT: Pre kung kaya or pwede, lumipat ka na lang ng tirahan... mahirap din kasi na may mga kapitbahay ka na nagdodroga eh..

  6. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,328
    #6
    Jedi pautang din. Hehehehehehe!!!
    What you have done is one of a kind, helping others. I assumed you have your own family too that relying on you everyday. Right! Now, let me asked you.....are they really your friends? Perhaps they are cause you'll giving theme a favor constantly. What happen if you stop giving hands out to them, are they still your friends? Maybe, maybe not! Its nice of you for lending a hand to someone else but for GOD sake if you help others give it to the real needy not to an inept persons.

    Stay away from them. You could do a lot better than giving hands out to those unproductive persons in the society.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #7
    Yes, they are still my friends, pero natuto na din ako humindi sa kanila. since then di na halos naulit na may nanghiram sakin, and we all still remain friends

    Quote Originally Posted by v6dreamer View Post
    Jedi pautang din. Hehehehehehe!!!
    What you have done is one of a kind, helping others. I assumed you have your own family too that relying on you everyday. Right! Now, let me asked you.....are they really your friends? Perhaps they are cause you'll giving theme a favor constantly. What happen if you stop giving hands out to them, are they still your friends? Maybe, maybe not! Its nice of you for lending a hand to someone else but for GOD sake if you help others give it to the real needy not to an inept persons.

    Stay away from them. You could do a lot better than giving hands out to those unproductive persons in the society.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #8
    one more thing, di naman ako nakakalimot sa mga anak ng mga kumpare ko, di sila nawawalan ng regalo pag pasko, sometimes kahit birthday. pati mga kapatid ng anak nila sinasama ko na din sa regalo. kaya siguro naman kahit di ko sila mapautang, wala na silang masasabi pa sakin coz di namana ko nagkukulang bilang ninong ng mga anak nila.

  9. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #9
    ..naalala ko lang sa thread na ito mga tao na di ako binayaran


    mga kaibigan at kamag anak pa....kung nasaan man kayo ..
    makonsensia sana kayo ng konti

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #10
    baka kakilala ng mga kaibigan mo at kamaganak mo yung mga kaibigan at relatives ko? hehehe

    Quote Originally Posted by BoEinG_747 View Post
    ..naalala ko lang sa thread na ito mga tao na di ako binayaran


    mga kaibigan at kamag anak pa....kung nasaan man kayo ..
    makonsensia sana kayo ng konti

Page 1 of 5 12345 LastLast
Usapang UTANG