Results 1 to 10 of 42
Threaded View
-
June 11th, 2007 06:42 PM #1
tutal napagusapan nadin yung tungkol sa mga utang sa thread ni kapitan. Siguro pagusapan nadin natin dito ang ibat ibang klase ng pangungutang na naranasan nating mga tsikoteers..
ok umpisahan ko na.
Story #1
few days ago, lumapit samin yung mother ng kumpare ko, umiiyak, papatayin daw sya ng pinagkautangan nya pag di daw sya nakapagbayad within 24 hours... yung utang na yun, sa SHABU pala yun, at nagtutulak na pala sya ng droga dito sa lugar namin, kailngan nya ng 2k... kahit may pera ako during that time, di na ako nagpautang... kahit alam kong baka tutuhanin pa ng muslim na pinagkautangan nya ng droga yung banta sa kaniya.
Hirap kasi eh, magpapautang ka, then malalaman mong sa transaction tungkol sa droga lang mapupunta ang pera mo, para na rin akong nangunsinti ng tao na ituloy nya yung mga maling gawain nila...
Mahirap din magreport sa pulis, dahil dito sa lugar namin sa Taguig, di mo alam kung sino ang mapagkakatiwalaang pulis na hindi invloved sa drugs... dami pa naman drug pushers dito na minsan eh protektado pa ng pulis.
Story #2
ito naman, kumpare ko, inaanak ko yung anak nya, nanay ng kumpare ko yung babae sa story #1, ito dahil nga sa kumpare ko, naging takbuhan ako sa kahit anong problema dumarating sa kaniya, nung nadisgrasya yung anak, nagkasakit ang nanay, imbes na pautangin ko, inaaubutan ko na lang ng pera, dahil pag inisip kong utang alam kong imposible na din bayaran... dahil uso dito samin ang nakakalimot ng utang hehehe.
ok lang sakin yun, kung nakakaluwag naman ok lang na tumulong, pero minsan naabuso din... itong kumpare kong ito, gumagamit din ng droga, ilang beses na din na inutangan ako ng P100 pesos pag nadadaanan ko sya sa kalsada, bigay naman ako ng bigay dahil kung ano ano ang dahilan... minsan nakatambay sya kasama yung ibang addict at isang drugpusher, akalain mong hiraman na naman ako ng P100, kailngan lang daw nya... eh sino ba namang gago magpapautang sa isang tao na ang kasama during that time eh mga addict at pusher, ibig sabihin ipanggagamit lang yung P100 ko, ipandadagdag sa bibilhin nilang droga...
Haay buhay talaga, kaya simula nuon, natuto na akong tumanggi, pag nakatambay ako sa kalsada, kinukwento ko agad sa kanila na nagigipit ako dahil nagpapagawa ako ng bahay, para yung ibang magkakainteres na manghiram eh malaman na wala akong pera... na tutuo naman dahil medyo mabigat sa bulsa talaga magpagawa ng bahay.
Nakakainis lang talaga minsan na naabuso ka sa mga taong mangungutang na walang balak magbayad, parang itinatae ko lang ang pera o pinupulot kung saan saan.
Story #3
kumpareng usapan pa din, may ilan pa akong kumpare although di naman mga addict, ilang beses na ding humiram ng pera sakin, wala pa kahit isa sa kanila nagatubiling magbayad sakin... ako naman, parang nahihiya akong maningil, baka isipin nila na gipit na nga sila eh naniningil pa ako. ayaw ko din masira mga pinagsamahan namin dahil mga kababata at kumpare ko sila, kaya naisip ko na wag na lang silang pautangin sa mga susunod or depende na lang kung talagang emergency. yung maliliit na pera na nahiram nila sakin, inisip ko na lang na parang tulong ko na lang sa kanila na walang halong sama ng loob sa part ko.... nagpapasalamat na lang ako na ako yung nasa sitwasyon na medyo nakakaluwag ng konte... kaysa yung ako yung laging nagigipit at nangungutang.
Story #4
Mahirap din magpautang sa mga kamaganak, direktang kamaganak or kamaganak ng asawa, dito minsan hindi ako makahindi dahil nga sa related sila samin. Kay ermat marami na ding nangutang na kamag-anak, karamihan di na din nabayaran... minsan may kamag-anak kami na nagkautang samin, halos sila pa masama ang loob nung sinisingil namin.
Lessons I've learned.
kung magpapautang, kung related sayo or kumpare/kumare/kapitbahay... magbigay na lang ng konting pera na pangtulong, kaysa magpahiram ng malaking pera at ikaw din ang mahihirapan sa huli maningil.
sa larangan ng utang, marami ng nasirang relasyon ng magkakapamilya, pagkakaibigan or pagkakapitbahay.... kaya maganda din lalo na kung malaking pera ang usapan sanla man or utang, dapat ma kasulatan lagi or may abogado, para sa huli may panghahawakan... or mas the best... wag na lang magpautang.
Interesting thread—really important to consider the broader impact of the National ID Law beyond...
National ID Law